Raffy Tulfo personal na naghatid ng relief goods sa dalawang matandang babae na ito, edad 80 at 101!



Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na halos lahat ng mga negosyo at establisyemento ay apektado ng nararanasan nating pandemya sa ngayon. Kahit ang mga malalaking pabrika, kompanya at maging ang mga bigating estasyon sa ating bansa ay pangsamantala na munang ipinasara.



Tulad na lamang ng estasyon kung saan napapanuod ang programa ni Raffy Tulfo na siyang tumutulong sa maraming mga mahihirap na Pilipino at sa mga taong nangangailangan ng hustisya. Ngunit kahit pa nga nasa bahay lamang ang lahat sa mga panahong ito ay hindi ito naging hadlang upang magpaabot pa siya ng tulong sa mga taong nangangailangan.


Tulad na lamang nang ginawa niyang pagtulong sa dalawang matandang babae sa Cauayan City, Isabela. Bumiyahe patungo ng Isabela ang batikang mamamahayag kasama ang kaniyang team at mayroon silang dalang tulong para sa dalawang matandang babae na ito na nasa edad 80 at 101 taong gulang na.


Ayon sa Facebook page na Raffy Tulfo in Action, humingi sa kanila ng tulong ang mga kamag-anak ng mga ito upang kahit papaano ay matulungan sila sa mahirap nilang kalagayan. Sa halip na padalhan ng pera ang mga kamag-anak nila ay si Raffy mismo ang nagtungo at naghatid sa kanila ng tulong.


Ang dalawang lola ay nakilala bilang sina Lola Belen Argonza, 80 taong gulang ng Brgy. Guayabal, at si Lola Concha Parallag naman na 101 taong gulang na nakatira sa ng Brg. Duminit. Talaga namang makikita ang galak sa mata ng mga lola ng dalhan sila ng tig-dalawang sako ng bigas, mga canned goods, instant noodles, biscuits, gatas, diapers at gamot sa gitna ng nararanasan nating krisis sa ngayon.



Talaga namang napakalaking bagay at napakalaking tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain ang mga tulong sa kanilang ito. Talaga namang mas hinangaan ng maraming mga netizens ang ginawang pagtulong na ito ni Raffy Tulfo na walang pag-aatubiling tumugon sa pangangailangan ng dalawang lola.




error: Content is protected !!