Mga Amerikano dumagsa sa isang binuksang Florida Beach sa kabila ng 40,000 na bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa bansa!



Nabigla at talaga namang ikinagalit ng maraming mga netizens ang pagiging pasaway at pabaya ng mga Amerikano na ito sa kabila ng banta ng COVID-19 hindi lamang sa kanilang bayan kundi maging sa marami pang mga bansa sa buong mundo. Ayon sa ilang mga ulat ay pinahintulutan ni Mayor Lenny Curry ng Jacksonville, Florida na muling buksan sa publiko ang ilan sa mga sikat na beach sa siyudad para sa diumano ay mga ‘essential activities” lamang noong Abril 17, 2020, Biyernes.



Ayon din sa ulat ng CNN, matapos tanggalin ang mga barikada sa naturang beach ay naghiyawan pa ang mga taong nagsama-sama sa iisang lugar dahil sa kanilang kagalakan sa muling pagbubukas ng naturang beach para sa publiko. Ilang mga residente din ang nagkomento na ang hindi nila pagkakaroon ng kalayaang makapunta sa mga ganitong beach ay talaga namang pahirap para sa kanila.


Ilan sa mga nakuhang larawan ng mga taong dumayo sa beach na ito ay mga nagsa-sun bathing, nagkukwentuhan at naglalaro bilang isang grupo na wala man lang suot suot na face masks! Sa kabilang banda ayon naman sa kanilang alkalde na si Mayor Curry, ang mga recreational activities tulad na lamang ng paglalakad, pagbibisikleta, hiking, mangingisda, pagtakbo, paglangoy, pagsu-surfing, pagpapasyal sa mga alagang hayop ay pinapayagan naman basta’t hindi lamang kaliligtaan ang “social distancing guidelines”.

“This can be the beginning of the pathway back to normal life. Please respect and follow these limitations. Stay within the guidelines for your safety as well as for the safety of your neighbors.” Pahayag pa ng alkalde sa publiko.


Kapansin-pansin sa mga larawang ito na marami sa mga taong dumayo sa naturang beach ay hindi nakasuot ng mga face masks o ano mang proteksyon upang hindi sila agad na mahawa ng COVID-19. Marami din sa kanila ang hindi sumusunod sa “social distancing”.



Kahit pa nga mula nitong Abril 20, 2020 ay nakapagtala na ng halos 40,000 mga nasawi sa buong Estados Unidos dahil sa COVID-19.