Mga larawan ni Piolo Pascual noon at ngayon, umani ng maraming komento mula sa mga netizens!



Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas kilala ng publiko bilang Piolo Pascual ay 43 taong gulang na aktor sa telebisyon at pelikula. Isa rin siyang mang-aawit, modelo, at prodyuser.


Ang Kapamilya hunk at mayroong dalawang anak, isang lalaki at isang babae. Ang kaniyang anak na si Iñigo Pascual ay pinasok na rin ang show business samantalang ang isa pa niyang anak na si Alexandria Mesias ay hindi pa masyadong namamataan ng publiko sa harapan ng kamera.




Si Piolo ay tiyuhin din ng isa pang sikat na aktor na si Benjamin Alves. Tunay nga na isa siya sa mga pinakagwapo at pinakahinahangaang aktor sa industriya hanggang sa ngayon.

Kahit pa nasa lagpas 40 na ang kaniyang edad ay hindi pa rin maipagkakailang napakamatipuno at napakagwapo pa rin niya. Hindi na ito nakapagtataka dahil sa kaniyang pagmamahal at pangangalaga sa kaniyang kalusugan at katawan.


Nito lamang Abril 14 ay nagbahagi ng larawan ang aktor sa kaniyang social media account na nilagyan niya ng caption na “Quarantine be like #dayforever.” Umani ng maraming komento mula sa mga netizens ang post na ito ng aktor.


Talaga namang makikita dito na walang kupas ang angking kagwapuhan nito mula noon hanggang sa ngayon. Ayon rin sa naging mga pahayag nito sa ginawang panayam sa kaniya ng PEP, kinakain niya ang anumang gusto niyang kainin kahit pa nga minsan bago siya matulog ay kumakain pa rin siya ngunit kinabukasan ay talaga namang puspos siyang nagwowork-out.


Bukod pa rito ay isa rin siyang triathlete. Healthy living din ito at mayroong sinusunod na dyeta.


“I drink a lot of water. I sleep a lot. Every time, I try to get at least six to eight hours of sleep. I eat whenever I wanna eat. Sometimes I eat before sleeping which is not good, but the next day, I work out right away or sweat it off. I’d like to eat everything. For me, that’s the reward.” Pahayag ng aktor.