Pusa nahuling kumakain ng bunga ng papaya sa isang bakuran!



Ang mga alaga nating pusa ay madalas na mapili pagdating sa mga pagkain. Kadalasan ay mas gusto nilang kumain ng isda o di kaya naman ay kahit anong pagkaing na mayroong isda.



Madalas na karne ang hilig ng mga pusang ito na kainin at hindi mo aakalaing kumakain din pala ang mga ito ng mga gulay at prutas. Ngunit kamakailan lamang ay naging viral ang pusa na ito matapos siyang mahuli na kumakain ng bunga ng papaya kahit nasa puno pa ang prutas na ito.

Maraming mga netizens ang talaga namang natuwa sa pusa na ito dahil sa hirap nga namang makalusot ngayon sa mga bahay-bahay upang makakuha ng pagkain dahil sa ang mga tao ay nasa loob lamang ng kanilang mga tahanan, tila wala nang nagawa pa ang kawawang pusa kundi ang kumain ng hinog na papaya. Ang naturang mga larawan ay ibinahagi mismo ng Facebook page na Trending Pinoy Videos kung saan mamamataan ang isang pusang nakatayo at pilit na inaabot ang hinog na bunga ng papaya.


Inakala pa nga ng ilang mga residente sa lugar na daga lamang ang kumakain ng ilan sa kanilang mga prutas, yun pala ay pusa na mismo! Huling-huli nga talaga sa camera ang pusa na ito na tila bihasang-bihasa na sa pagkain ng mga hinog na bunga ng prutas sa kanilang lugar.


Ilang mga netizens pa ang nagkomento at nagbiro na sawa na diumano ang naturang pusa sa pagkain ng mga sardinas na malimit ay kasama ng rasyon na natatanggap natin dahil na rin sa umiiral na enhanced community quarantine sa maraming mga lugar sa ating bansa. Tunay nga na sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo na pinagdaraanan ng marami sa atin ay kahit papaano ay hindi pa rin natin nakakalimutang maging positibo at maging masaya sa buhay.



Dahil sa ating sama-samang pananalangin at pagkakaisa ay tiyak na magkakaroon din ng pag-asang mapagtagumpayan natin ang lahat ng ito.




error: Content is protected !!