Throwback photo nina Annabelle Rama at anak nitong si Ruffa Gutierrez, hinangaan ng publiko!



Marami tayong hinahangaan na mga kilalang personalidad sa ngayon. Hindi lamang dahil sa kanilang mga angking talento at sa kanilang nakakabilib personalidad kung hindi dahil na rin sa kanilang angking kagandahan noon hanggang sa ngayon.


Marahil ay isa na sa mga ito si kilalang talent manager na si Annabelle Rama. Para sa ilang mga nakababatang Pilipino sa ngayon, ang isang sikat na personalidad na si Annabelle Rama ay nakilala bilang isang istrikto at prangkang nanay nina Ruffa Gutierrez at ng showbiz twins na sina Richard at Raymond Gutierrez.




Ngunit para sa mga nakatatandang Pinoy, si Annabelle Rama ay isang magandang aktres at misis ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez bukod kina Ruffa, Richard at Raymond ay mayroon pa siyang tatlong mga anak, sina Rocky, Elvis, at Ritchie Paul. Kung marami sa atin ngayon ang hindi nakaaalam na ang isang Annabelle Rama noon ay talaga namang ubod ng ganda.


Hindi na rin naman ito nakapagtataka dahil sa ang kaniyang mister ay isang sikat na matinee idol noong 1960s. Kamakailan lamang ay kumalat sa maraming mga social media platforms ang mga larawang ito ng mag-inang Annabelle at Ruffa.


Talaga namang kapansin-pansin ang angking kagandahan ni Annabelle noon pa man, kahit na 67 taong gulang na siya ay makikita pa rin sa kaniyang mukha ang kagandahang taglay nito na tunay ngang namana rin ng kaniyang anak na si Ruffa. Tunay nga na maramig mga netizens ang namangha sa angking kagandahan ni Annabelle noon ngunit mas marami pa ring mga netizens ang nakakita sa kaniyang natatanging pagmamahal at pagkalinga sa kaniyang pamilya.


Maaaring isa sila sa pinakakilalang pamilya sa industriya ng show business sa ngayon, ngunit mas nakabibilib pa rin talaga ang napakagandang mga kaugalian nila bilang isang pamilya. Isang patunay lamang na napakahalaga talaga ng isang buo at masayang pamilya ordinaryong tao ka man o isang sikat na personalidad.



Hindi naging madali ang mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya Gutierrez ngunit talaga namang naging matatag sila at ngayon ay nagsisilbing inspirasyon para sa mas marami pang mga pamilya.




error: Content is protected !!