Ginang, nagsauli ng P5,000 na nakuha nila sa DSWD dahil sa nakatanggap na pala ang kaniyang mister ng SAP mula sa ibang barangay na kinabibilangan nito!



Sa panahon natin ngayon, marami nang mga tao ang hindi nagpapahalaga sa katapatan, dignidad at hustisya. Nakakalungkot man ngunit totoong kakaunti na lamang ang mga taong tapat at totoo sa ngayon.


Tulad na lamang ng isang ginang na ito na talaga namang sinaluduhan ng marami dahil sa kaniyang pambihirang katapatan lalo na at pera ang pinag-uusapan. Ayon kasi sa ilang mga ulat, ang 28 taong gulang na ginang ay nagsauli ng natanggap nitong P5,000 mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng ating pamahalaan.



Ito ay pinansyal na tulong para sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng krisis na COVID-19. Ayon sa ginang na nakilala bilang si Whendy Pido na naninirahan sa North Cotabato, 28 taong gulang.

Ibinalik niya ang salapi na natanggap niya mula sa DSWD dahil sa batid niyang mas mayroong nangangailangan nito lalo na sa ngayon. Dagdag pa nang ginang, kusa niyang ibinalik ang pera dahil sa nabigyan na ang kaniyang mister sa kabilang barangay na kinabibilangan nito.


Hindi na niya pinag-interesan pa ang naturang pera para sa makasarili nilang pangangailangan dahil sa batid niyang mananagot sa batas ang mga gagawa nito. Bukod pa rito ay mas nais niyang mapunta ito at makatulong sa mas nangangailangang pamilya.


Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib sa ginang na ito. Tunay nga na hindi lahat ay makakagawa ng ganito lalo na at maraming mga taong makasarili sa ngayon na walang ibang nais kundi ang makalamang sa kanilang kapwa.


Mga taong hindi alintana ang paghihirap ng kanilang kapwa dahil sa sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Kung sana ay marami pang mga Pilipino ang katulad ng ginang na ito ay tiyak na magiging maayos at matagumpay tayo bilang isang lahi at bilang isang bansa balang araw.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at pagkakaisa ay tiyak na magiging maayos rin ang lahat at magbabalik rin sa normal ang ating pamumuhay.






error: Content is protected !!