Gwen Zamora at mister nitong si David Semerad masayang naninirahan ngayon sa kanilang modernong bahay kubo sa gitna ng ECQ!



Marami sa atin ang talaga namang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa. Tunay nga na wala nang makahihigit pa sa pagkakaroon ng tahanang alam mong sa iyo talaga.


Isa na nga ito sa mga bagay na pinapangarap ng maraming mga Pilipino. Kung marami sa atin ang nagnanais na manirahan sa siyudad kung saan mayroong malalaking mga gusali, maraming mga sasakyan at sari-saring mga negosyo ay mayroon din namang mga indibidwal na nagnanais na manirahan sa probinsiya kung saan makalalanghap ng sariwang hangin at talaga namang maeenjoy ang sariwang mga prutas at gulay.




Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang pagpapatayo ng celebrity couple na sina Gwen Zamora at David Semerad ng isang modernong bahay kubo sa Batangas. At dahil nga umiiral pa rin sa ngayon ang enhanced community quarantine at stay-at-home policy sa maraming mga lugar sa bansa ay komportable at masayang masaya naman ang mag-asawa kasama ang kanilang 8-month-old baby boy sa kanilang tahanan.


Madalas na nagbabahagi sa social media si Gwen ng kanilang mga videos at mga larawan na talaga namang umaani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Labis din namang nagpasalamat ang aktres at modelo sa kanilang barangay dahil sa napagkalooban din sila ng sariwang isda at 25 kilo ng bigas noong nakaraang linggo bilang relief packs.



Tunay nga na wala nang makahihigit pa sa ligayang mararamdaman mo kung kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay sa ganitong klase ng panahon. Nawa ay patuloy pang sumunod ang maraming mga Pilipino sa mga paalala ng kinauukulan upang matapos na ang mga paghihirap at pagsasakripisyo nating ito.


Si Gwenaelle Tasha Mae Agnese o mas nakilala ng publiko bilang si Gwen Zamora ay 29 na taong gulang na aktres, modelo, at dancer. Anim na taon din siyang namalagi sa GMA network bago lumipat sa ABS-CBN taong 2016. Matapos ang isang taon ay nagbalik siyang muli sa Kapuso network.





error: Content is protected !!