Isang pamilya sa Bulacan ginawang libangan at income ang paggawa ng banig sa gitna ng umiiral na ECQ sa bansa!



Ilang linggo na rin ang nakalilipas mula nang manalanta ang pandemyang COVID-19 sa ating bansa. Sa ngayon ay patuloy na lumolobo ang bilang ng mga taong nahahawa at nasasawi dahil sa naturang karamdaman na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring nadidiskubreng lunas.


Dahil sa pinapairal na “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa ay marami nang mga negosyo at establisyemento ang kinailangang magsara pansamantala. Dahil dito ay maraming mga manggagawang Pilipino sa ngayon ang nawalan ng trabaho.



Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa ilang mga mahihirap na pamilya. Ito ay pinagmulan ng maraming mga hinaing at mga reklamo mula sa mga pamilyang hindi nabigyan ng naturang tulong.


Maraming mga netizens ang talaga namang nagbahagi ng kanilang saloobin sa social media patungkol sa naturang isyu. Nakakalungkot isipin na marami sa atin ang pilit na sinisisi ang pamahalaan dahil sa hirap at sa gutom na kanilang nararanasan habang mayroon namang ibang mga Pilipino ang gumagawa ng sarili nilang diskarte at pamamaraan kung paano sila kikita ng pera sa mga panahong ito.


Tulad na lamang ng isang pamilyang ito mula sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose Del Monte, Bulacan. Sa gitna ng lockdown ay talaga namang nakagawa sila ng paraan kung paano sila magiging produktibo sa mga araw at linggong dumaraan.


Ang viral post na ito ay mula sa Facebook Page na Balitang SJDM na mula sa kuha ni Jaypee Villaluz. Ito ang naging caption ng naturang FB Page sa kanilang post:


“Habang nasa quarantine, may isang pamilya sa Toyota Ville Brgy. Gaya-Gaya ang pinagkaabalahang gumawa ng banig upang kanilang maging libangan at dagdag kita.”

Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito na nagpamangha at nagpabilib sa maraming mga Pilipino lalo na sa panahong ito ng krisis na ating kinakaharap sa ngayon.






error: Content is protected !!