Sampung taon na ang nakakalipas nang pumanaw ang babaeng ito ngunit nagtaka ang kaniyang pamilya dahil sa nakasama pa ito sa SAP masterlist ng DSWD!



Ikinabigla ng pamilyang ito ang nadiskubre nila kamakailan lamang kung saan ang namayapa nilang kaanak na sampung taon na ang nakalilipas ay tila muling nabuhay dahil sa kasama pa ang pangalan nito sa SAP masterlist ng Department of Social and Welfare Development (DSWD). Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isang financial aid program na idinisenyo ng gobyerno upang matulungan ang ilang mga mahihirap na pamilyang Pilipino na magkaroon ng kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad na lamang ng pagkain.


Dahil sa kinakailangang maipamahagi kaagad ang pondong nakalaan para sa mga mahihirap na Pilipino ay nagbase na lamang ang mga kinauukulan sa datos mula sa DSWD ilang taon na ang nakalilipas. Ito rin ang naging dahilan kung bakit mas nauna nang makuha ng mga 4Ps beneficiaries ang pinansya na tulong para sa kanila kaysa sa iba pang mga pamilya.




Ayon sa ilang mga ulat ay nagpamahagi diumano ng mga forms ang DSWD sa mga pamilyang Pilipino ngunit sa masterlist na lamang nagbantay ang ahensya upang mas mapabilis ang proseso. Kung ang pamamaraang ay naging maayos naman sa ilang mga pamilya, nagdulot naman ito ng kaguluhan at katatawanan sa ilang mga pamilya.

Tulad na lamang halimbawa ng isang pamilya sa Barangay Bugo, San Remegio, Antique na nakadiskubreng maging ang namayapa nilang kaanak ay napabilang pa sa maswerteng napili upang makatanggap ng ayuda. Kahit pa sampung taong na itong pumanaw!



Ayon sa Radyo Bandera Sweet FM – Dumaguete ng rbsfm Bacolod, isa sa kanilang kaanak ang napabilang sa naturang listahan. Ito ay nakilala bilang si Nene Eden Victoriano. Dahil sa hindi na niya matatanggap pa ang tulong na ito mula sa gobyerno ay kinuhanan na lamang nila ng larawan ang himlayan nito. At talagang makikita ang pangalan ng ginang sa kaniyang puntod.

Kung maraming mga tao ang talaga namang namangha rito, marami namang mga netizens ang hindi natuwa dahil sa maaaring maging dahilan ito ng korupsyon. Nagsilbing aral din ito sa DSWD para sa pagsasaayos at pag-aupdate ng kanilang listahan.





error: Content is protected !!