Viral video ng isang healthcare worker na nakasuot ng PPE suit, umantig sa puso ng maraming mga netizens!



Ilang linggo na rin ang nagdaan mula nang ipanukala ng ating Presidente ang enhanced community quarantine sa maraming mga lugar sa bansa upang hindi na dumami pa ang mga bilang ng mga taong nahahawa ng sakit na COVID-19 sa bansa. Talaga namang napakahirap ng sakripisyong ito para sa maraming mga pamilyang Pilipino ngunit mas mahirap ito para sa ating mga frontliners.

Tulad na lamang halimbawa ng mga doktor, nars, sundalo, pulis, at ilan pang mga empleyado ng gobyerno at lokal na pamahalaan. Kamakailan lamang ay labis na umantig sa puso ng publiko ang video na ito ng isang healthcare worker na nakaupo lamang sa sahig habang nakasuot ng


Personal Protective Equipment o PPE. Talaga namang kakahabagan mo ang kaniyang kalagayan dahil sa mainit na kasuotang nasa katawan niya na halos puro plastik na rin dahil sa kakapusan natin sa mga PPE sa maramin mga ospital. Mapapansin din sa kaniyang mga kilos na tila inaantok siya at nais niyang mamahinga ngunit wala siyang ibang magagawa kundi ang gawin ang kaniyang tungkulin para sa maraming mga Pilipino.

Nakakalungkot lamang talaga na kahit gustuhin pa nilang umuwi na lamang at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ay mas pinili nilang labanan ang delikadong pandemyang na nararanasan ng maraming mga bansa sa buong mundo sa ngayon. Maraming mga netizens ang nagkomento ng kani-kanilang mga pahayag patungkol sa sitwasyon ng frontliner na ito.

Marami sa kanila ang nagsabing mas mainam talagang sundin na ng bawat isa ang “Stay-At-Home” policy at ang social distancing upang hindi na mahirapan pa ang mga taong ito na nagsasakripisyo para sa kapakanan nating lahat. Kahit pa ibig sabihin nito ay hindi nila maaaring makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay hanggang hindi pa natatapos ang pandemyang ito.

Kung magkakaisa lamang at magtulungan tayong lahat para sa ikaaayos ng ating bayan, tiyak na mas mapapadaling matapos ang krisis na ito.