Batang sarap na sarap sa kaniyang maasim na mangga, kinagiliwan ng maraming mga netizens!



Mangga ang pambansang prutas ng ating bansa. Sa panahon ngayon ay talaga namang namumutiktik sa bunga ang mga puno ng mangga ng ating kapitbahay at maging ang mga tinda sa mga palengke ay halos puro mangga rin.


Patok na patok din naman sa mga turistang dayuhan na nagtutungo sa ating bansa ang napakasarap na prutas na ito. Madalas ay hilig ng mga bata o maging ng mga nakatatanda ang manggang hinog
dahil sa napakasarap na tamis nito na maaaring solong panghimagas o di kaya naman ay gamitin sa ilang mga desserts.




Samantalang mga kababaihang buntis naman ang sarap na sarap sa pagkain ng manggang hilaw o iyong mangga na kulay berde. Kamakailan lamang ay labis na kinagiliwan ng publiko ang batang lalaki na ito na kumakain ng manggang hilaw.


Talaga namang mapapansin mo sa kaniyang mga kilos na hilig niya talaga ang pagkain ng prutas na ito dahil kahit pa asim na asim siya ay bakas din naman sa kaniyang mga mata na enjoy na enjoy siya sa pagkain nito. Agad na nag-viral ang post na ito ng netizen na nakilala bilang si Whilliam Viscocho.


Ayon sa kaniyang mga kuha ay talaga namang bawat anggulo ng batang kumakain ng mangga ay kuhang-kuha nito. Mayroong sa bawat kagat pa lamang ay talagang mapapapikit na ang bata sa sobrang asim, habang mayroon din namang kuha ang batang lalaki na tila napapanganga pa dahil sa sobrang kaasiman.


Hindi na nakapagtataka kung bakit naging viral kaagad ang mga larawang ito. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay mayroon nang halos 1,000 likes, 300 comments, at 2,200 shares ang viral post.


Tiyak na nangasim ka ding makita kung paano na-enjoy ng bata na ito ang kaniyang hilaw na mangga. Kung kaya naman hanggang napapanahon pa ang bunga ng mangga, huwag ka nang magdalawang-isip pang kumain at mag-enjoy din ng masarap na pagkaing ito.




error: Content is protected !!