Hugot ng plain Pancit Canton na hindi binibili sa mga supermarket, nariyan ngunit hindi ikaw ang gusto, pumatok sa social media!



Tiyak na isa ka rin sa mga Pilipinong mahilig kumain ng instant pancit canton lalo na kung almusal, merienda, o kahit ano pang oras ng araw basta’t naisipan mo lamang magluto at kumain nito ay talaga namang walang makakaawat sa iyo. Hindi na kataka-taka na agad na naging viral ang hugot ng isang netizen patungkol sa isang flavor ng sikat na brand ng instant pancit canton na ito na hindi pinipili ng maraming mga mamimili dahil sa plain flavor nito.


Sa panahon ngayon na patuloy pa rin ang umiiral na “enhanced community quarantine” ay mahigpit pa ring ipinatutupad ng gobyerno at loka na pamahalaan ang “stay at home policy”, “social distancing” at “clustering”. Dahil sa panukalang ito ay isang tao lang din ang pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan kung kinakailangang bumili ng gamot o di kaya naman ay pagkain.




Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng husto ang post ng lalaking ito na nakita niya sa isang pamilihan habang siya ay namimili. Ayon sa nagpost ng naturang viral na larawan na si Sean Gabriel Flores ay makikita ang caption na “Ikaw ang nariyan pero hindi ikaw ang gusto”.

Talagang namang umani ito ng napakaraming reaksyon at komento mula sa mga netizens. Maraming mga netizens ang nagsabing ramdam nila ang sitwasyong kinalalagyan ng mga pancit canton na ito kung sakaling sila ay nagkaroon ng mga damdamin o naging isang tao.


Sino nga ba naman ang hindi malulungkot kung ikaw na nariyan na ay hindi pinipili ng sinuman dahil sa hindi ikaw ang gusto nila? Mayroon ding ilang netizen na nagsabing maaaring naghanap ng ibang “flavor” ang isang asawa o di kaya naman ay kasintahan dahil sa nagsawa na ito sa kaniyang minamahal.


Talaga namang nakakalungkot at puno ng kabiguan ang naramdaman ng maraming mga netizens dahil lamang sa viral na larawan sa isang bahagi ng pamilihan kung saan hindi nabibili ang “plain flavor” ng pancit canton na ito. Kung hindi man ito binibili sa ngayon ng maraming mga mamimili, marahil ay darating din ang tamang panahon kung kailan ito pipiliin at kung kailan mapapansin din ng iba ang kanilang kakaibang lasa kumpara sa iba pang mga flavor ng pancit canton na ito.





error: Content is protected !!