KC Concepcion sinabihan ng isang netizen na walang hubog at deretso lamang ang katawan!



Si Maria Kristina Cassandra Cuneta o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si KC Concepcion. Siya ay 35 taong gulang na aktres, singer, songwriter, celebrity endorser, model, host, at dancer.


Talaga namang isa siya sa hinahangaan at nirerespetong personalidad sa ngayon. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang natuwa sa kaniyang TikTok videos.




Abril 13 nang magpost si KC ng kaniyang video habang nagsasayaw siya ng popular na kanta ng The Black Eyed Peas, ang “Mamacita” kung saan featured ang mga artists na sina Ozuna at J. Rey Soul. Tinag din ng anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta si J. Rey Soul at sinabing “You owe me one BB.”


Nagkomento at nagpahayag ng kanilang pagmamahal ang maraming mga netizens sa viral video ni KC. Ilan sa mga netizens na ito ay mula pa sa United Kingdom, sa Milan, sa Amerika at sa marami pang lugar sa buong mundo.

Hindi rin naman nagpaawat ang ilang mga nakapanuod ng kaniyang nakakatuwang video at nilarawan nila ito bilang nakakaloka ngunit talaga namang nakakatuwa at nakakakapagpasaya ng maraming mga taong apektado ng krisis sa ngayon. Ngunit nakakalungkot lamang na mayroong isang netizen na tila kumutya sa dalaga dahil diumano sa wala itong ka-kurba kurba sa katawan.



Narito ang naging pahayag ng naturang netizen, “She has no hips at all. Her body is like straight up and down. No curve.”

Hindi naman nagalit o napikon si KC bagkus ay mayroon pa itong cool na sagot sa kaniyang basher na talaga namang hinangaan ng marami.



“Lol u sound so affected. I’m sorry my hips disappointed u,” Pahayag ni KC.


Agad namang ipinagtanggol ng iba pang mga netizens ang singer sa kabila ng pambabatikos ng netizen na ito. Tunay nga na kailanman ay walang magandang maidudulot ang pangungutya o panghuhusga sa kapwa. Kung kaya naman dapat ay mas maging responsable tayo sa mga salitang binibitiwan natin at sa mga bagay na pinopost natin online.




error: Content is protected !!