Matandang mag-asawa umantig sa puso ng publiko dahil sa hindi iniwan ang isa’t-isa sa kabila ng kanilang katandaan at hirap sa buhay!



Aminin man natin o hindi, madalas na nanalangin tayo na makasama ang minamahal nating asawa o kasintahan sa matagal na panahon. Hanggang sa “forever” wika nga ng mga millennials. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na makasama mo ng matagal ang taong iniibig mo. Makasama mo siya sa hirap at ginhawa, sa kalungkutan at kasiyahan, at maging sa marami pang pagsubok sa buhay.



Hindi mo na nanaisin pa ang magmahal ng iba o magsimula na naman ng panibagong kabanata ng iyong buhay nang hindi mo na kasama ang iyong sinisinta. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na kabiliban ng publiko ang matandang mag-asawa na ito na talaga namang nagpapakita ng wagas na pagmamahal, pagtitiis, at katatagan.


Bagamat kapansin-pansin na hirap sila sa buhay ay talaga namang magkasama pa rin nilang hinaharap ang bawat umagang dumarating. Ang nagbahagi ng kanilang mga larawan ay si Jerry T. Ledesma.


Ninais nitong sa simpleng pagpopost niya sa social media ng mga larawan ng matandang mag-asawa ay makararating ito sa kinauukulan nang sila ay matutulungan. Dagdag pa niya, naninirahan ang mag-asawa sa Barangay Damaklit, Paglat, Maguindanao.


Bagamat nagbigay ng kaunting tulong ang naturang netizen ay batid niyang hindi ito tatagal. Maraming mga netizens naman ang nagpahayag ng kanilang mga saloobin at komento.


Ilan sa kanila ay talaga namang bumilib sa mag-asawang ito ngunit marami din naman ang nahabag sa kanilang kalagayan. Isa sa mga netizen na ito ang bumisita at nag-abot ng kaunting tulong sa mag-asawang ito na sa kabila ng kanilang katandaan at matinding hirap na pinagdaraanan ay nananatiling matatag at masaya ang kanilang pagsasama.


Hindi biro ang pag-aasawa dahil isa itong napakalaking responsibilidad at tungkulin hindi lamang sa isang ilaw ng tahanan kundi maging sa haligi ng tahanan. Nakakatuwang malaman na hanggang sa mga panahong Ito ay talaga naman mayroon pa ring mga taong makakapagpatunay na ang wagas na pagmamahal ay totoo kung nanaisin mo lamang Ito na magkatotoo.






error: Content is protected !!