Mayor Richard Gomez ng Ormoc City ibinahagi sa publiko ang dahilan kung bakit COVID free pa rin ang kanilang siyudad!



Si Richard Gomez ay 54 taong gulang na atleta, television presenter, direktor at pulitiko. Isa siya sa pinakasikat na aktor sa telebisyon man o sa pelikula.

Nakapagtapos siya sa University of the Philippines Open University at sa University of Perpetual Help System DALTA. Taong 1998 nang magpakasal sila ng isa pang sikat na artista at modelong si Lucy Torres.



Biniyayaan sila ng isang anak, si Juliana Marie Beatriz T. Gomez na ngayon ay 19 na taong gulang na.


Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang naging stratehiya ng nasasakupan ni Mayor Richard dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad.


Kabaligtaran ito ng nagaganap ngayon sa Maynila partikular na sa siyudad ng Quezon City kung saan nakapagtala ng libo-libong kumpirmadong kaso na talaga namang kinakabahala ng publiko.


Ngunit sa kabila ng mga bantang ito ay nananatiling COVID free ang Ormoc City dahil sa maagap na pagpapanukala ng ilang mga batas ng kanilang alkalde.

Ayon sa kaniyang naging pahayag ay maaga nilang isinara ang kanilang siyudad noon Marso 13 pa lamang.



Halos isang buwan na rin ang nakalilipas mula noon kung kaya naman laking pasasalamat ng mga residente doon na hanggang ngayon ay wala pa ang naturang pandemya sa kanilang lugar.

Batid din ng alkalde na hindi pa matatapos ang krisis na ito dahil sa patuloy pa ring lumolobo ang bilang ng mga taong nahahawa at apektado ng COVID-19 sa ating bansa.

Mula pa noong maghigpit ang siyudad ay hindi na sila nagpapapasok pa ng hindi residente dito liban na lamang sa mga buntis at sa mga nangangailangan ng emergency operations.



Kung mayroong “respiratory ailments” ang sinumang nagnanais pumasok sa kanilang bayan ay kinakailangan muna nitong makakuha ng doctor’s clearance mula sa City Health Office.

Talaga namang naging epektibo ang ginawang panukala ni Mayor Richard Gomez kung kaya naman hanggang sa ngayon ay ligtas pa rin ang kaniyang nasasakupan sa nakakahawa at delikadong sakit na ito.

Source and Image Credit: ANC




error: Content is protected !!