Willie Revillame bigla na lamang naiyak habang naka-live sa Wowowin!



Hindi na napigilan pang umiyak ni Willie Revillame sa isa sa mga live episodes nito sa programa niyang Wowowin. Ito ay matapos niyang mapanuod ang isang video kung saan tampok ang buong pusong pasasalamat ng maraming mga Pilipino sa pambihirang kabayanihan ng ating mga frontliners para sa ating bayan.



Dahil nga sa kinakaharap nating krisis sa ngayon dahil sa pandemyang COVID-19 ay talaga namang maraming mga pamilyang Pilipino ang talaga namang naaapektuhan. Batid naman natin na noon pa man ay mahirap na ang buhay ng karamihan sa atin.


Maswerte na ang ilan sa mga pamilyang Pilipino ang kumain ng tatlong beses sa loob ng isang araw. Dagdag pa rito ang maayos na tahanan na kanilang masisilungan kung matindi ang sikat ng araw o di kaya naman ay grabe ang lakas ng ulan.


Dahil sa mga katotohanang ito ay hindi na nag-atubili pang mag-abot ng tulong si Willie Revillame. Isang kilalang pilantropo, businessman, singer, host at batikang komedyante.


Sa kabila ng kinakaharap na krisis ng ating bayan sa ngayon ay patuloy pa rin siyang nagbibigay ng tulong sa mga tao. Sa katunayan ay inamin nitong wala silang kinikita ngayon sa mga live episodes na kanilang ipinapalabas sa kanilang programa dahil nais lamang talaga nilang tumulong at magbigay ng kasiyahan sa maraming mga Pilipino.



Sa kalagitnaan ng kanilang live episode ay hindi inaasahan ng publiko na bigla na lamang maluluha at iiyak ang batikang host. Ito ay dahil sa kalungkutan at panghihinayang na nadarama niya dahil sa pagkawala ng marami nating mga healthcare workers at iba pang mga frontliners.

Labis naman siyang nagpasalamat sa lahat ng mga nars, doktor, pulis, sundalo, at mga taong kinakailangan pang magtrabaho sa kabila ng banta ng COVID-19 sa Pilipinas at maging sa buong mundo. Nakiusap naman si Willie na sana ay sumunod na ang mga Pilipino sa mga tagubilin ng gobyerno dahil sa talaga namang walang mangyayari at magiging walang katapusan ang paghihirap nating ito kung hindi tayo magkakaisa at magtutulungan.

Hindi lamang para sa ating mga buhay kundi mas higit sa buhay ng ating mga pinakamamahal na anak, asawa, at magulang.






error: Content is protected !!