BB Gandanghari naiyak nang maalala si Rustom Padilla habang naka-live sa social media!



Maraming mga Pilipino ang talaga namang humanga sa isang Rustom Padilla noon. Hindi lamang dahil sa maamo nitong mukha, magandang pangangatawan, at sa mahusay nitong pagganap sa kaniyang mga karakter kundi dahil sa nakakabilib din nitong karisma.


Nakakalungkot nga lamang dahil sa ang dating Rustom na ating nakilala at hinangaan ay kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari. Maaalalang noong taong 2006 ay umamin si Rustom patungkol sa kaniyang totoong gender orientation.




Isa siya sa housemates ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1. Inamin niya sa national television na siya ay isang “gay”.

Dito nagsimula ang pagdiskubre niya sa kaniyang sarili. Bagamat maraming mga taong nagulat at maging ang ilan niyang mga kaanak ay marami pa rin naman ang sumuporta ay patuloy na nagmahal sa kaniya.
Sa ngayon ay naninirahan na si BB Gandanghari sa Los Angeles kung saan siya ay kinilala bilang isang babae.


Kamakailan lamang ay naging emosyonal si BB nang maalala si Rustom Padilla na itinuturing nitong kakambal na diumano ay nagparaya upang magkaroon siya ng maayos at magandang buhay nang hindi na nagtatago at nagpapanggap pa.



Sa naturang live ay natanong din siya ng isang netizen patungkol kay Carmina Villaroel kung saan sinagot naman niya ito at sinabing walang koneksyon si BB Gandanghari tulad ng koneksyon ni Rustom kay Carmina na naging asawa nito mula taong 1994 hanggang 1997.

Hindi man naging madali ang lahat para kay BB ay nagsilbi pa rin siyang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino at iba pang mga indibidwal na nakararanas din ng mahirap na sitwasyong naranasan niya.



Si Binibini Gandanghari o mas nakilala ng publiko bilang si BB Gandanghari ay 52 taong gulang na aktres, modelo, entertainer, comedian, at direktor. Siya ay kapatid nina Robin at Rommel Padilla na kapwa mga beteranong aktor.


Taong 1990s nang sumikat siya bilang Rustom Padilla hanggang taong 2001 kung kailan napabalita ang kaniyang showbiz hiatus.