Categories: Lifestyle

Buhay probinsiya, tunay na kinasasabikan ng maraming mga Pilipino!

Kumpara sa dating pamumuhay ng maraming mga Pilipino, napakarami na ding naging pagbabago mula noon. Mayroong mga pagbabagong hindi masyadong nakabuti sa atin ngunit mas marami din naman ang mga bagay na nagkaroon ng maganda at positibong resulta para sa ating lahat.


Dahil sa naging modernisasyon sa ating lipunan ay mas naging abala ang maraming mga tao. Nagkaroon ng maraming mga gusali at maraming mga sasakyan na nagdulot din naman trapiko at hindi magandang epekto sa ating kapaligiran.

Aminin man natin o hindi, madalas na mas apektado ng polusyon, trapiko, at marami pang problema ang mga siyudad. Hindi na nakapagtataka na mas maraming mga Pilipino ang nais na manirahan na lamang sa probinsiya.

Mayroong iilan sa atin ang nagkaroon ng pambihirang pagkakataon na maranasan ang pamumuhay sa probinsiya. Talaga namang napakasarap manahan dito dahil sa sariwang hangin na libre mong malalanghap, sa napakasarap at sariwang mga gulay, prutas at karne, at sa magiliw na pagtanggap at pagtrato ng iyong mga kalapit bahay o kapitbahay.


Hindi rin malilimutan ng marami sa atin ang mga bagay na ginagawa natin noon sa ating mga probinsiya. Tiyak na naranasan mo ring makipaglaro kasama ang iyong mga kaibigan kung saan umaakyat kayo ng puno o di kaya naman ay pinagtutulungan ninyong makakuha ng bunga ng puno.

Masarap pagsaluhan ang mga ito at kung minsan pa nga ay inilalako ninyong magbabarkada upang kumita ng kaunting halaga. Sadyang kay sarap-sarap balikan ng ating buhay sa probinsiya, hindi ba?


Kahit na maraming mga bagay tayong na-eenjoy sa siyudad, talaga namang wala pa ring hihigit sa tahimik at komportableng pamumuhay natin sa probinsiya. Kahit pa sabihing maraming pera o maraming kikitain sa siyudad kung saan maraming oportunidad pagdating sa trabaho, darating at darating din ang araw na nanaisin at papangarapin mong manirahan sa isang simple ngunit masayang tahanan sa probinsiya.

Editor Juan

Share
Published by
Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago