Diskarte ng isang motorista upang mapanatili ang social distancing kahit na nakamotor, kinagiliwan ng publiko!



Maparaan at madiskarte, ilan lamang iyan sa mga kahanga-hangang katangian ng maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay hinangaan ng maraming mga netizens ang diskarteng ito ng isang motorista upang hindi sila masita ng mga otoridad patungkol sa mahigpit na pagpapatupad ngayon ng “enhanced community quarantine”.


Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay patuloy pa ring ipinatutupad ng pamahalaan ang mga social distancing, stay-at-policy at clustering sa ilang mga barangay. Upang mabawasan at tuluyan nang matapos ang krisis na kinakaharap natin sa ngayon ay kinakailangang sumunod ng mga Pilipino sa mga panukalang ito.



Ang sinumang lumabag ay huhulihin at mananagot sa batas. Agaw-pansin sa social media ang lalaking ito na nakasakay sa isang motorsiklo na mayroong kasamang angkas.

Kung aakalain mong mahuhuli sila ng otoridad, makakasuhan, o makukulong dahil sa kanilang ginawa, nagkakamali kayo dahil sa ang totoo ay kinagiliwan at kinabiliban pa nga sila ng publiko. Ito ay dahil sa kadahilanang kahit pa nga nakasakay sila sa motorsiklo ay napanatili pa rin nila ang pagsunod sa social distancing.


Nakasuot din sila ng mga face masks na isa rin sa mga mahigpit na ipinatutupad. Ang naturang post ay mula sa netizen na nakilala bilang si Sansei Cervantes Salcedo na nagbahagi nito sa social media noong April 22.

Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Hindi napigilan ng ilang mga netizens na magkomento patungkol dito. Ilan sa kanila ay nagsabing talaga namang kamangha-mangha ang ideyang naisip ng motorista at ng angkas nito na lagyan ng “side car” sa likuran ang kanilang motor.


Hindi lamang nila mapapanatili ang pagsunod sa social distancing kundi makakapamili rin sila ng mga pagkain o gamot na kailangan nila nang magkasama silang dalawa lalo na kung hindi naman talaga kaya mamili o mamalengke ng driver at ang marunong namang mamili ay hindi marunong magmaneho.



Makikita rin sa larawan na nasorpresa at humanga rin ang sundalong nakakita mismo sa ideyang ito ng pagpapanatili ng social distancing kahit pa naka-motor lamang. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay mayroon nang higit sa 18,000 reactions at higit sa 76,000 shares sa social media.




error: Content is protected !!