Iwa Moto may matinding mensahe para sa kaniyang mga bashers na puro panlalait ang sinasabi sa kaniya online!



Maraming mga tao ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo ang talaga namang nakakaranas ng panghaharas, pangmamaliit, at panghuhusga mula sa ibang tao. Talaga namang hindi kaaya-aya ang ganitong klase ng pag-uugali dahil sa tiyak na makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao.


Ang mahirap pa dito ay marami sa mga ito ang hindi naman talaga natin batid ang totoong kwento ng kanilang mga buhay. Tulad na lamang halimbawa ng dating aktres, sikat na kontrabida at modelong si Iwa Moto.



Kamakailan lamang ay sinabihan ito ng isang netizen na siya ay “mataba” matapos nitong magpost ng dance video nila ng kaniyang anak na babae.

Agad naman itong sinagot ni Iwa dahil ang katotohanan ay nais lamang niyang ibahagi ang bonding moment nilang mag-ina, hindi upang ipangalandakan ang kaniyang pangangatawan.



Mas mainam pa sana kung hahanap na lamang ng ibang mapagkakaabalahan ang mapanghusgang netizen upang mas maging produktibo naman siya dagdag pa ni Iwa. Nagulat rin ang publiko nang aminin niyang siya ay mayroong kakaibang kondisyon at maituturing na isang Person With Disability (PWD).


Nagbahagi rin siya mga pangalan ng gamot na kaniyang iniinom bilang patunay na hindi talaga biro ang kaniyang pinagdaraanan. Bagamat maraming mga mapanghusgang tao sa ating paligid ay mayroon din namang mga tao na handang makinig at umunawa sa kanilang kapwa.



Nawa ay magsilbing aral din ito para sa marami pang mga tao na walang ibang inisip kundi ang kanilang sariling kapakanan at hindi na naisip pang pahalagahan ang damdamin ng iba, sikat man itong personalidad o isang simpleng tao lamang. Si Aileen Quimado Iwamoto o mas nakilala ng publiko sa kaniyang stage name na “Iwa Moto” ay 31 taong gulang na aktres, modelo at reality television personality.


Siya ang tinanghal na first runner up sa third season ng StarStruck na isang a reality-based talent search show ng GMA Network.






error: Content is protected !!