Mga Pinoy, kahit walang ulam basta mayroong kanin, solve na!



Tayong mga Pilipino ay sanay sa hirap at maraming hamon ng buhay. Hindi na nakapagtataka na dahil sa mga naranasan nating pagsubok na ito sa buhay natin ay mas nagiging matatag tayo sa paglipas ng panahon.


Mahirap man ang buhay ay marami pa rin sa ating mga Pilipino ang nagagawang maging masaya at positibo sa buhay. Kahit nga kakaunti lamang ang pagkain sa hapag-kainan, basta’t sama-sama ang pamilya ay maituturing nang isang napakagandang biyaya mula sa Diyos.




Dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa maraming bansa sa buong mundo maging sa Pilipinas ay mas lalong nahihirapan ang maraming mga Pilipino kung paano makakaraos sa araw-araw. Dahil kasi sa krisis na ito ay maraming mga empleyado ang nawalan ng kanilang mga trabaho kung kaya naman hirap din ang maraming mga pamilya kung paano makakaraos sa araw-araw at kung ano ang kanilang gagastusin para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.


Kamakailan lamang ay itinampok sa Facebook Page na “Magsasaka Mabuhay Ka” ang ilang mga larawan ng mga pagkaing maraming mga Pilipino ang tiyak na makakaalala. Mayroon itong caption na kahit walang ulam, ang mahalaga ay mayroong kanin.


Ilan lamang sa mga kuhang larawan ay ang kanin na nilagyan ng kaunting toyo at mantika, para sa iilan ay simpleng bersyon na ito ng popular nating putahe na adobo. Mayroon ding larawan ng sibuyas na mayroong kulay pulang sarsa at bagoong alamang na mayroong sili at kalamansi.


Simple man ang mga ito ngunit ilan lamang ito sa mga pagkaing nakatulong sa atin upang maging malakas at makaraos sa araw-araw. Bagamat sa ngayon ay mas naging madali nang magtrabaho at kumita ng pera kaysa noon, hindi pa rin natin maiaalis ang katotohanan na mayroon pa ring mga pamilya ang nahihirapan at walang magawa kundi ang magtiis at ipagpasalamat ang mga ganitong biyaya na kanilang natatanggap.





error: Content is protected !!