Piolo Pascual ibinunyag sa publiko ang sexy actress na talaga namang crush na crush niya!



Mayroon bang hindi nakakakilala kay Piolo Pascual? Isa sa pinakagwapong aktor ng kaniyang henerasyon ngunit sa kabila ng kaniyang edad ay tila ba lalo pa siyang nagiging gwapo at matipuno. Maliban sa pagkakaroon ng gwapong mukha, magandang pangangatawan, nakakamanghang mga talento, at mabuting puso ay talaga namang wala ka nang mahihiling pa.


Ultimate leading man at matinee idol nga kung ituring ng maraming mga Pilipina. Ngunit sa katulad niyang popular, at talaga namang “dream guy” ng maraming mga kababaihan?



Marahil ay isa ka rin sa ilang mga kababaihan na napapaisip kung ano nga kaya ang gusto niya sa isang babae? Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroon din namang Ultimate Crush ang Ultimate Dream Guy ng bayan.


Walang iba kundi si Ina Raymundo. Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas kilala rin sa kaniyang screen name na Ina Raymundo ay 44 na taong gulang na ngayon. Siya ay isang kilalang aktres sa pelikula at telebisyon, isa rin siyang commercial model, at singer. Mas tumatak sa publiko ang kaniyang commercial ad na “Sabado Nights”.



Sa ngayon ay masaya siya sa kaniyang buhay may-asawa kasama ang kaniyang mister na isang Ukrainian-Canadian na si Brian Poturnak. Taong 2003 nang sila ay ikasal at biniyayaan sila ng limang mga anak. Kahit pa nga siya ay isa nang ina ay hindi pa rin nito pinababayaan ang kaniyang sariling kalusugan at pangangatawan. Kung kaya naman marami pa rin ang humahanga at bumibilib sa kaniya.

Maaalalang nagpost pa si Ina noon sa kaniyang social media account nang malamang Ultimate Crush pala siya ng Hunk Actor na si Piolo Pascual! Iisang kurso ang kinuha nila sa kolehiyo ngunit nauna lamang ng isang taon ang aktres.



Noon pa man ay crush na siya ni Piolo ngunit hindi ito gumawa ng paraan upang magpapansin o ligawan ang dalagang si Ina. Gayunpaman ay marami pa rin ang kinilig dahil sa ang crush ng bayan na si Piolo ay mayroon din palang ultimate crush noong kaniyang kabataan.




error: Content is protected !!