Social distancing sa palengke ng Myanmar, hinangaan ng publiko!



Social distancing ang isa sa pinakamabisang magagawa natin sa ngayon upang hindi na tayo maging isa sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Kung kaya naman hinihikayat ang maraming mga Pilipino na manatili na lamang sa loob ng ating mga tahanan.


Kung hindi naman talaga maiiwasan ang paglabas ng tahanan ay mas makabubuting umiwas muna sa mga matataong lugar at huwag kalilimutan ang pagpapanatili ng social distancing. Kaugnay nito ay hinangaan ng marami ang naging stratehiya ng isang pamilihan sa Myanmar kung saan talaga namang makikita ang pagsunod sa naturang batas.




Sa halip kasi na ipasara ang mga pamilihan at mahirapang makapamili ng sariwang karne, prutas, at gulay ang publiko ay gumuhit na lamang ang mga otoridad ng mga linya na hugis kahon sa isang malawak na kalsada kung saan maaaring magtinda ang mga tindero sa naturang lugar. Sa pamamaraang ito ay hindi na kailangan pang makipagsiksikan ng publiko sa isa’t-isa kung mamimili sila at mas maiiwasan pa ang pagkakahawa ng mga residente sa napakadelikadong sakit na COVID-19.

Ang naturang post na viral na ngayon sa social media ay mula sa netizen na si Bryan Albert Lim. Ang mga larawang ito ay orihinal na kuha ng isa pang netizen na nakilala bilang si Thaung Tun.


Tunay nga na sa kabila ng krisis at mga pagsubok na kinakaharap natin sa ngayon ay mayroon pa ring magagandang bagay ang naiidulot nito sa atin. Nakakagawa pa rin tayo ng ilang mga paraan at mga dahilan upang maging positibo sa bawat araw na dumaraan hanggang sa tuluyan nang matapos ang problema nating ito.


Tiyak na maisasakatuparan natin ang nais nating lahat na matapos na ito kung patuloy tayong susunod sa kinauukulan, mas maging responsable, at mas magiging disiplinado. Huwag na tayong maging mapanghusga at magsisihan pa.


Bagkus ay gawin natin ang nararapat upang unti-unti nang magbalik sa normal ang lahat.




error: Content is protected !!