Ulam na sardinas na mayroong talbos ng kamote, nagpatakam sa maraming mga netizens!



Maraming mga Pilipino ang aminadong mahilig bumiyahe o mag-travel sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Dahil dito ay nagkakaroon sila ng pagkakataong makatikim ng mga ipinagmamalaking pagkain at putahe ng iba’t-ibang bansa.


Ngunit marami sa mga Pilipinong ito ang nagsasabing mas masarap pa rin talaga ang mga lutong Pinoy. Hindi na ito nakapagtataka dahil bukod sa masasarap tayong magluto ay talaga namang mahilig rin tayong kumain.



Hindi lamang mga putahe ng ulam ang ipinagmamalaki natin sa mga turistang dayuhan na nagtutungo sa ating bansa dahil marami din tayong masasarap na mga panghimagas, at mga sariwang prutas na dito lamang matatagpuan sa Pilipinas. Mayroon din tayong mga nakakatakam na street foods at hindi rin naman mawawala ang mga pagkaing nakalakihan na ng marami sa atin.


Talaga namang kahit nasaang lugar ka man sa mundo ay tiyak na hindi mo malilimutan ang panlasang Pinoy. Dahil dito ay marami na rin sa ating mga kababayan ang nagtatayo ng mga negosyong kainan sa ibang bansa kung saan tampok ang mga masasarap nating putahe.



Noon pa man ay kilala na ang maraming mga Pilipino sa kanilang nakakamanghang talento pag dating sa pagluluto. Kung kaya naman marami na ring mga putahe ang naiimbento sa ngayon. Ngunit noon pa man ay hilig na ito ng maraming mga Pilipino. Tipong kung ano lamang ang available sa kanilang tahanan ay nagagawa nilang makalikha ng napakasarap na pagkain.

Halimbawa na lamang ay ang luto ng sardinas na sinahugan ng talbos ng kamote. Talaga namang nakakatakam ang putaheng ito dahil bukod sa mura lamang ito ay siguradong masustansiya pa.



Maraming mga Pilipino ang hilig ito kung kaya naman hindi na nakapagtataka na sa panahon ng “enhanced community quarantine” ay mas maraming nagluluto ng nakakatakam na ulam na ito. Tunay nga na masarap kumain nito lalo na kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa hapag-kainan.

Gaano man kahirap ang dinaranas nating paghihirap at krisis sa ngayon ay tiyak na malalampasan din natin ang mga pagsubok na ito. Basta’t magtulungan at magmalasakitan lamang tayo para sa isa’t-isa.






error: Content is protected !!