Easy na DIY swimming pool sa inyong bahay, pwedeng-pwede nang gawin ngayong tag-init!



Isa sa mga pinakahinintay ng maraming mga Pilipino ay ang panahon ng tag-init o “summer”. Bukod kasi sa walang klase ang mga mag-aaral ay isa rin itong pambihirang pagkakataon upang magkasama-sama ang bawat pamilya.


Madalas ay namamasyal ang mag-anak o di kaya naman ay nagtutungo sa mga outing. Dahil sa ito ay panahon na rin ng tag-init, maraming mga pamilya ang talaga namang nagba-bonding sa mga private at public resorts habang ang ilan naman ay nagseset-up na lamang ng simpleng “inflatable” sa kanilang mga bakuran.




Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng marami ang do-it-yourself na paggawa ng isang swimming pool na ito. Ibinahagi ito ng netizen na nakilala bilang si Rhobie Poco. Sa kaniyang viral post ay ibinahagi niya ang mga kakailanganing gamit tulad na lamang ng mga sumusunod: 2 cubics sand, 12 bag ng semento, 8 rebars, 130 piraso ng hollow blocks, G-I wire, 5 Sahara, concrete neutralizer, 4 na elbow PVC Pipes at dalawang valves para sa supply ng tubig, 2 inches ng PVC Pipe and valve para sa drain, 1 PVC Pipe, 1 galon ng Flexibond paint, 1 galon ng latex paint.


Ang kabuuang gastos para rito ay aabot ng P10,000 hindi pa kasama ang labor fee ng gagawa. Ang sukat ng naturang swimming pool ay 8.5 x 8.5 x 3 ft. Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito.


Tunay nga na napakagandang ideya nito para sa mga pamilyang nagnanais na magkaroon ng mura ngunit maayos at ligtas na swimming pool. Maraming mga netizens ang nagpahayag na susubukan din nilang gumawa ng ganitong swimming pool lalo na sa ngayon na ramdam na ramdam na natin ang sobrang init ng panahon.



Hindi na nga maipagkakaila na ang mga Pilipino ay sadyang maparaan sa maraminng mga bahay at sa ganitong uri ng sitwasyon ay talaga namang mamamangha ka sa mga ideya at pamamaraan ng marami sa atin.