Gabby Concepcion ibinahagi sa publiko ang kaniyang malawak na Batangas farm at ipinakilala ang kaniyang “police dog”!



Si Gabriel Arellano Concepción ay 55 taong gulang na aktor at negosyante. Nagsimula siya sa industriya ng show business noong 1980s bilang isang “teen commercial model”.

Isa siya sa pinakahinangaang aktor ng kaniyang henerasyon. Hanggang sa ngayon ay talaga namang hinangaan pa rin si Gabby dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa kaniyang mga karakter at sa angkin niyang kagwapuhan sa kabila ng kaniyang edad.



Mayroon siyang naging limang anak, isa na rito ang anak niya kay Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Nagkaroon din siya ng anak kay Jenny Syquia na ngayon ay isa nang beauty queen titleholder, si Cloie Helena Syquia Skarne.


Sina Samantha at Savannah Concepcion naman ang anak niya kay Genevieve Yatco Gonzales na naging karelasyon niya mula noong 2004 hanggang sa kasalukuyan. Noong 1990s ay nagkaroon din siya ng relasyon kay Grace Ibuna at biniyayaan sila ng isang anak na ngayon ay isa nang musician, si Maria Gabrielle Ibuna Concepcion.



Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Gabby sa publiko ang kaniyang malawak na farmhouse na matatagpuan sa Lobo, Batangas. Nagbahagi ang aktor ng video ng kaniyang property habang kasalukuyang umiiral ang “enhanced community quarantine” sa maraming lugar sa bansa.

Talaga namang hinangaan ng publiko ang kaniyang malawak na property kung saan ipinakita niya ang kaniyang mga pananim tulad ng talong, kalabasa, oregano at maging ang kaniyang mga puno ng saging na diumano ay mayroon pang pusa bukod sa pagkakaroon nito ng puso. Mayroon din siyang inaalagaan na mga hayop sa kaniyang farm tulad na lamang ng manok at kambing.



Ipinakilala niya rin ang kaniyang police dog na diumano ay mukhang askal. Talaga namang malaking tulong ang pagkakaroon ng mga pananim at alagang hayop lalo na ngayong umiiral ang lockdown sa bansa.

Tunay nga rin na kahit pa mahigpit na ipinatutupad ang ECQ ay hindi pa rin nawawala ang angking kagwapuhan ng aktor na nakapagpatubo na rin ng kaunting bigote at balbas.