Kauna-unahang Astronaut ng Malaysia, naging isang delivery boy muna sa isang restaurant sa gitna ng pandemyang dinaranas natin sa ngayon!



Si Dr. Sheikh Muszaphar Shukor ang naging kauna-unahang astronaut ng Malaysia. At dahil na rin sa pandemya na nararanasan ng maraming mga bansa ngayon sa buong mundo ay hindi siya nagdalawang isip pa na gawin ang kaniyang bahagi sa gitna ng krisis na ito.


Abril 22 nang magbahagi siya ng kaniyang mga larawan kung saan makikitang naging isang delivery boy muna siya ng isang local restaurant na nakilala sa pangalang “Restoran Rebung Dato Chef Ismail”. Halos isang linggo na rin niyang ginagawa ang trabaho na ito.




Ibinahagi niya rin sa publiko na isa siya sa mga co-owner ng naturang restaurant sa Kuala Lumpur katuwang ni Chef Ismail noon pang taong 2003. Ikinuwento niya sa kaniyang Instagram post ang kaniyang naging karanasan.

“I remember going to Pasar Borong Selayang at 4am during those days buying fresh seafood everyday for the past six months during our start up. I remember sending Lemang & Rendang & Dodol in the wee hours of morning Raya for the past two years. Those were the days.” Pahayag ni Dr. Sheikh.


“And Alhamdulillah – after 17 years, Rebung is still standing strong with 80 staffs achieving many Awards – Best Malay Food for five consecutive years. We even shifted from Bangsar Park to Botanical Park in 2018 for a more spacious five-storey parking space and could accommodate up to 500 pax.” Dagdag pa niya.


Tunay nga na umani ng maraming mga komento ang reaksyon sa publiko ang post na ito ni Dr. Sheikh. Sinong mag-aakala na ang isang matagumpay na astronaut ay magsisilbi pala bilang isang delivery guy hindi lamang para sa kanilang negosyo kundi para na rin sa maraming mga taong nagnanais matikman ang kanilang ipinagmamalaking mga putahe kahit pa nga mahigpit pa rin ang pagpapairal ng mga batas sa kanilang bayan dahil sa kasalukuyang krisis ng buong mundo sa “COVID-19”.