Lalaking nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, nabugbog matapos magnakaw ng isang sako ng bigas para sa kaniyang pamilya!



Bukod sa kahirapang noon pa man ay namamayani na sa maraming mga bansa sa buong mundo, mas marami pa ang nakaranas ng matinding gutom at paghihirap mula nang kumalat ang nakakahawang sakit na COVID-19 na sa ngayon ay itinuturing nang isang pandemya.



Upang mabawasan lamang ang mga taong posibleng maapektuhan at mahawa pa ng naturang sakit ay maraming mga negosyo ang pansamantalang ipinahinto na muna na naging dahilan upang mawalan ng pagkakakitaan ang maraming mga pamilya.


Kita na sana ay pangtustos nila sa pang-araw-araw na pagkain at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya. Isa na marahil sa mga taong ito ay ang lalaki na ito mula sa Medan, Indonesia. Ayon sa ilang mga ulat, hindi nakalusot ang lalaking ito sa mga residente ng isang nayon matapos niyang magnakaw ng isang sako ng bigas.


Talaga namang punong-puno siya ng pasa at bugbog sa kaniyang buong katawan. Para lamang sa 5 kilo ng sako ng bigas na ito ay kinailangan niyang ipagsapalaran ang kaniyang buhay at kaligtasan. Ayon naman sa isinagawang imbestigasyon, nagawa lamang ito ng lalaki dahil sa wala na siyang trabaho pa dahil sa COVID-19 at upang hindi na magutom pa ang kaniyang pamilya ay nagnakaw na lamang ito ng bigas.


Natuklasan ng mga otoridad na totoo ang lahat ng kaniyang sinasabi nang magtungo sila sa kaniyang tahana at malaman na ang kaniyang asawa at mga anak ay nasa poder muna ng kaniyang mga biyenan dahil sa wala pa itong maipakain at maisuporta sa kaniyang pamilya.

Nakakalungkot isipin na kinakailangan pang mangyari ito upang mabatid ng kinauukulan at ng pamahalaan ang tunay na hirap ng kanilang mga mamamayan sa gitna ng krisis na kinakaharap nating lahat hanggang sa ngayon. Tunay nga na sana ay matulungan ng kinauukulan ang lalaki na ito, isang “Padre de Pamilya” na wala namang ibang hangad kundi ang magkaroon lamang ng makakain ang kaniyang pamilya.




Nawa ay mayroong mga taong may magandang kalooban na makapag-aabot kahit ng maliit at kaunting tulong man lamang para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!