Larawan ng puno ng malunggay na ubod na ng taas ng mga dahon, labis na kinagilawan ng maraming netizens!



Tayong mga Pilipino ay kilala ng iba pang mga lahi hindi lamang sa pagiging masiyahan natin, o pagiging magiliw sa ating mga bisita kundi dahil sa pagiging matulungin natin at mapagbigay. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang larawan na ito ng isang puno ng malunggay.


Ngunit hindi katulad ng ordinaryong puno ng malunggay ay tila naubusan na ito ng dahon sa ibaba kung kaya naman ang mga dahon nito na naiwan ay nasa pinakamataas na bahagi na ng puno. Halos tanaw na ang kalangitan sa taas ng naturang puno ng malunggay.



Naglagay pa ng pabirong caption ang netizen na nagpost nito sa social media na nakilala bilang si “JayDee P. Silang”. Ayon sa kaniyang post ay nais niya sanang manghingi ng dahon ng malunggay, naging mabait naman ang may-ari at sinabi sa kaniyang kumuha na lamang siya.

Ngunit talaga namang nakakatuwa ang naging pangyayari dahil sa pagkataas-taas na ng mga natitirang dahon ng malunggay at tila imposible na talaga itong makuhanan pa ng kahit sino. Sana sa paglipas ng mga araw ay muling tumubo ang mga dahon ng puno ng malunggay upang mas marami pa itong mapalakas na pangangatawan at mga nanay na matulungang magparami ng kanilang gatas para sa kanilang mga supling.


Tunay nga namang napakamapagbigay ng maraming mga Pilipino. Marahil ay sa dami ng nanghihingi sa kanila ng masustansiyang halaman na ito ay talaga namang unti-unti nang naubos ang mga dahon ng malunggay kung kaya ang natira ay yaong nasa itaas na lamang na bahagi.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap natin sa ngayon ay talaga namang nakakatuwang malaman na hindi pa rin nawawala ang pagiging positibo at masiyahin ng maraming mga Pilipino. Tunay nga na sa kahit ano mang pagsubok, paghihirap, sakuna, o kalamidad ay magagawa nating bumangon muli basta’t magkakaroon lamang tayo ng pagtutulungan at pagkakaisa.





error: Content is protected !!