Matandang mag-asawa na nag-uulam lamang ng chichirya sa kanin, nakatanggap ng maraming mga biyaya!



Isang netizen ang nagbahagi sa social media ng isang nakakaantig at nakakatuwang kwento patungkol sa kung paano tinulungan ng mabubuting tao ang mag-asawa na ito na tanging chichirya lamang ang iniuulam sa kanin magkalaman lamang ang kanilang mga sikmura. Ang naturang netizen ay nakilala bilang si Shang Marquez.


Siya ang nagpost sa social media ng kwento ni Tatay Ricardo at nang pamilya nito na siyang naging dahilan upang matulungan sila ng publiko sa kanilang dinaranas na hirap sa buhay lalo nang magsimula ang lockdown sa kanilang lugar. Ayon sa netizen, madalas na nakikita niyang bumibili ng chichirya sa halagang dalawang piso si Tatay Ricardo at minsan ay kasama pa nito ang kaniyang may edad na misis.



Talaga namang naawa at nahabag ang netizen kung kaya naman ibinahagi niya ito sa social media upang kahit papaano ay mayroong makapansin at makatulong sa mag-asawa. Minsan pang nakita niya ang matandang lalaki na nagnanais sanang makakuha man lamang ng ipinapamigay na relief packs ngunit hindi na nito kinaya pang makipagsiksikan at makigulo.


Dahil sa agad na nag-viral ang naturang post ay maraming nagpaabot ng tulong sa mag-asawa, mayroong nagbigay sa kanila ng mga de-latang pagkain, sariwang bangus, at kape. Masayang-masaya rin sila dahil sa bagong mga gamit sa bahay at pangkusina na natanggap nila.


Tunay nga na nasa puso pa rin ng maraming mga Pilipino ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakitan sa kapwa. Nagsilbing inspirasyon ang kabutihang-loob ng mga taong tumulong sa mag-asawang ito na kahit papaano ay nakukuntento na lamang sa kung ano ang mayroon sila.


Ngunit dahil sa mga taong tumulong ay talaga namang napakalaking pagbabago na nito para sa kanilang pamumuhay. Sadyang nakakataba ng puso na sa gitna ng pangamba at kaguluhang nagaganap sa marami sa atin ngayon dahil na rin sa takot na dulot ng pagkalat pa lalo ng sakit na COVID-19 sa Pilipinas ay taos-puso pa rin ang ibinibigay na tulong ng marami sa atin lalo na sa mga taong nangangailangan at hirap talaga sa buhay.





error: Content is protected !!