Baby bump ni Sarah Geronimo, usap-usapan ngayon ng publiko!



Hindi madali ang buhay may-asawa ngunit kung kasama at katuwang mo ang taong pinakamamahal mo at mahal na mahal ka ay tiyak na magiging masaya ang panibagong yugto na ito ng inyong buhay. Sabi nga ng maraming nakatatanda, hindi parang mainit na kanin ang pag-aasawa na sa oras na mapaso ka ay agad agad mong mailuluwa ang kanin na nakapaso sa iyo.


Sa oras na nagdesisyon kang lumagay sa tahimik at magpakasal, hindi na lamang ang iyong sarili ang iisipin mo kundi maging ang iyong kabiyak at ang inyong mga magiging anak. Kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usapan ang naging pribadong kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.




Bagamat marami rin ang maging aberya ay napagtagumpayan naman nila ang mga ito at masayang na silang namumuhay sa ngayon. Marami sa kanilang mga tagahanga ang talaga namang nasasabik nang makita ang mga magiging anak ng bagong kasal.

Kung kaya naman hindi na nakaligtas pa sa mga mapanuring mata ng publiko ang diumano’y lumalaking tiyan ni Sarah. Ang larawan niyang ito ay kuha noong sinamahan niya ang kaniyang mister na si Matteo sa klinika ni Dra. Vicki Belo.



Nakasuot ng bistida at jacket ang Kapamilya singer at napansin rin ng ibang mga netizens na tila pumayat ito. Kung kaya naman naging mainit na usap-usapan ang kaniyang pagdadalang-tao.

Tunay nga na maraming mga nag-aabang patungkol sa kumpirmasyon ng mag-asawa kung totoo nga kayang buntis si Sarah ngunit ayon kay Matteo, halos dalawang buwan pa lamang silang kasal kung kaya nais na muna nilang sulitin ang mga panahong magkasama sila bago sila bumuo ng sarili nilang pamilya. Marami din naman ang kinilig ng ilarawan ni Matteo si Sarah bilang “the best wife” para sa kaniya!



Tunay nga na naging inspirasyon ang dalawa upang ipaglaban ang tunay na pag-ibig. Maaaring sa ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang galit at sama ng loob ngunit darating din ang panahon na muling magkakasama ang dalawang pamilya.




error: Content is protected !!