Isang alkalde sa Japan binatikos dahil sa pahayag na makukupad mamili ang mga kababaihan!



Maraming mga kababaihan ang talaga namang hinahangaan sa buong mundo sa ngayon. Hindi lamang dahil sa angkin nilang kagandahan o talento kundi mas higit sa kanilang mga natatanging kakayanan at pambihirang pagmamahal sa kanilang pamilya.


Hindi na rin nakapagtataka na tinatangi at minamahal pa ng maraming mga tao ang mga kababaihan dahil sa kanilang mga nakakamanghang ugali. Hindi lamang kilala na masipag, matiyaga, masiyahin, mapagmahal, at matatag dahil sa talaga namang iba rin ang kanilang pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang anak, asawa, at pamilya.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang naging pahayag ng isang alkalde sa Japan kung saan inilarawan niya ang mga kababaihan na “makukupad” kung mamili. Dahil pa rin sa banta ng nakakahawang sakit na COVID-19 ay maraming mga tao ang isang beses sa isang linggo na lamang kung pumunta sa mga pamilihan para sa supply ng kanilang mga pamilya.


Noon, kadalasang mga kababaihan ang namimili sa isang pamilya dahil sa mas batid nila kung ano mismo ang eksaktong kailangan nila sa kanilang tahanan. Ngunit dahil na rin sa pandemya na nararanasan natin sa ngayon ay maraming mga pamilya ang mas minabuti na lamang na ipasa ang tungkulin na ito sa mga kalalakihan.

Kung kaya naman kinagalit ng publiko ang pahayag na ito ng isang alkalde sa Osaka, Japan. Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, ipinahayag ni Osaka Mayor Ichiro Matsui na nagtatagal sa pagmimili ang mga babae dahil nag-iikot-ikot pa sila at hindi agad makapagdesisyon kung ano ang nais nilang bilhin kumpara sa mga kalalakihan na tanging ang mga iniutos lamang sa kanila ang dadamputin sa mga pamilihan upang bilhin.




“Men can snap up things they are told (to buy) and go, so I think it’s good that they go shopping, avoiding human contact,” komento ng 56-anyos na alkalde. Maraming mga netizens ang talaga namang hindi natuwa sa naging pahayag ng alkaldeng ito. Umani ito ng maraming mga negatibong komento mula sa mga kababaihan.



Ayon pa sa ilan, noon pa man ay hindi na patas ang tingin ng ilang mga tao sa mga kababaihan sa ilang mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang Japan ay nasa ika-121 pwesto pa rin sa kabuuang 153 na mga bansa sa World Economic Forum 2020 gender gap index.




error: Content is protected !!