Isang arkitektong Pinoy pinamangha ang publiko dahil sa kaniyang “Project Silong” na maaaring maging pahingahan ng mga magsasaka!



Ang mga Pilipino ay likas nang masisipag. Talaga namang hindi matatawaran ang pambihirang determinasyon nila pagdating sa kanilang mga trabaho na pinangsusuporta nila para sa kanilang mga pamilya.

Isa na marahil sa pinakamahirap ngunit pinakamarangal na trabaho sa ating bansa ay ang pagsasaka. Hindi biro ang init, hirap at pagod na nararanasan ng ating mga magsasakang Pilipino ngunit sa kabila nito ay buong lakas at buong puso pa rin silang nagsasaka para sa kanilang kabuhayan at para sa maraming mga Pilipino na ang pangunahing pagkain ay bigas.



Ngunit kahit pa gaano kasipag ang ating mga magbubukid, kinakailangan pa rin nilang magpahinga. Madalas na makikita natin silang nagtitiis na mamahinga at matulog sandali sa ilalim ng puno.


Maaaring pagkatapos nito ay sakitan sila ng katawan ngunit sa kabila nito ay hindi sila umiindi ng kahit ano pa man. Buti na lamang at nagawa ng isang Pilipinong arkitekto na ito ang isang proyekto na tiyak na makatutulong at magiging kaginhawahan sa maraming mga magsasaka.



Ang proyekto niyang ito ay pinangalanan niyang “Project Silong”. Si Architect Jeffrey Evangelista dela Cruz ng “Istilo Design Studio designs” ang utak ng award-winning project na “Project Baluto”. Sa ngayon ay mayroon na naman siyang bagong proyekto na malaki ang maitutulong para sa ating mga Pilipino.



“The first level is an area for short rest, eating and storing farm equipment while the other level is for sleeping to rest their back,” paglalarawan ni Architect Jeffrey sa Kicker Daily News.

Dagdag pa niya, ang hugis tatsulok na ito ay mayroong tatlong sulok na dahilan ng katatagan nito kung kaya naman hindi ito basta masisira ng hangin o ng ulan. Bukod sa matibay at matatag ito ay madali rin diumano itong ayusin ayon sa arkitektong ito dahil sa gawa ito sa kawayan.


“We took advantage of the use of bamboo because of its abundance in our country and bit is known as a natural, sustainable and excellent raw material for manufacturing strong and sturdy structure.” Pahayag pa ni Architect Jeffrey.

“If we are envisioning a better community then we need to provide people what they really need. ISTILO Design Studio exists to take their part in uplifting the design state of the country, satisfying every client’s needs and providing progressive solutions for humanity even in very small scale projects like Project Silong.” Dagdag pa niya.






error: Content is protected !!