Ivana Alawi, milyon milyon nga ba ang kita kada araw sa kaniyang YouTube channel?



Si Ivana Alawi ay talaga namang isa sa pinakakilala at pinakahinahangaang aktres sa industriya sa ngayon. Talaga namang hindi inaasahan ng publiko na mamahalin at hahangaan ng husto ng maraming mga Pilipino ang isang Ivana Alawi na noon ay sumubok na ring makapasok sa show business tulad na lamang ng kaniyang nakababatang kapatid na si Mona Alawi o kilala rin bilang si Mona Louise Rey.



Bukod sa pagiging isang aktres ay isa ring vlogger si Ivana. Ibinabahagi niya sa kaniyang YouTube account ang kaniyang mga ginagawa sa loob ng kanilang bahay, ang kaniyang mga hilig lalo na ang pagkain, ang mga pranks na kaniyang ginagawa na talaga namang nakakatuwa at marami pang iba.

Si Ivana ay simple lamang, maganda at talaga namang kaakit-akit kahit pa hindi batid ng publiko na isa pala siyang tagapagmana ng kaniyang namayapang ama. Hindi na nakapagtataka kung bakit sa sandaling panahon ay napakarami na niyang naging followers at supporters sa social media.



Binigyang-linaw kamakailan lamang nina Ivana kasama ang kaniyang kapatid na si Mona ang mga usap-usapan na diumano ay milyones ang kinikita ng kanilang mga videos sa loob lamang ng isang araw. Ayon kay Mona, hindi dahil mayroong milyon-milyong views ang isang video ay kikita na rin ito ng milyon.

Dahil sa nakabatay ito sa mga ads at sa kung gaano katagal panonoorin ang kanilang mga video. Dagdag pa ni Mona, kung pera lamang ang dahilan kung kaya papasukin mo ang industriya na ito, mas mabuti pang huwag na lamang itong ituloy dahil sa talaga namang pasensya ang kailangan dito.


Ayon naman kay Ivana, hindi milyon ang kita niya sa isang video sa loob ng isang araw. Inamin nitong kumikita siya ng “6-digits” ngunit hindi niya ginagastos ang kahit piso nito dahil sa nais niya itonh ipangbili ng bahay para sa kaniyang ina.



Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 6 million subscribers at mas dumarami pa. Maging ang mga proyekto ni Ivana ay dumarami na rin.




error: Content is protected !!