Mag-asawang nagdiriwang ng ika-10 taon nilang anibersaryo, iniluto at pinanghanda ang natanggap nilang relief goods!



Sabi ng maraming matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang pagsubo ng isang kutsara ng mainit na kanin na kapag ikaw ay napaso na at nasaktan ay kayang kaya mo na lang na iluwa ito at hindi na kainin pa. Ngunit habang nagkakaisip tayo at natutuklusan ang maraming mga bagay sa mundo, maiisip nating kahit papaano ay tama ang kanilang mga tinurang salita.



Bagamat hindi palaging masaya ang buhay may-asawa at talaga namang puno ng sakrispisyo ay hindi pa rin natin maitatanggi na isa itong napakagandang biyaya mula sa Diyos lalo na kung ang nagmamahalan kayong tunay ng iyong kabiyak.


Tulad na lamang ng nakakakilig na mag-asawang ito na kamakailan lamang ay pinabilib ang maraming mga netizens dahil sa kanilang sweet na sweet na mga larawan sa social media kung saan itinampok nila ang kanilang sosyaling date pero pasok pa rin sa budget.


Viral na viral ngayon ang post ng Facebook page na Team Amparo’s Diary tungkol sa mag-asawang ito. Kahit kasi umiiral pa rin ang mas pinaigting pa na “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa ay walang nakapigil sa kanilang mag-celebrate.


Para sa kanilang date ay talaga namang matatakam ka sa kanilang mga hinandang pagkain na animo ay isang “full course meal” sa isang sikat na restawran. Mayroon silang soup na gawa sa lucky me itnok na mayroong pang itlog sa itaas nito.



Habang dilis na mayroong kamatis naman ang naging appetizer ng sweet couple. Ang argentina corned beef at sardinas naman ang nagsilbing main course nila.

Hindi rin naman nawala ang panghimagas nilang “Dalgona coffee”. Sinamahan pa ito ng napakasweet na caption na 10TH WEDDING ANNIVERSARY Relief Goods Edition.

Dapat nasa ibang bansa tayo ngayon, pero okay lang kasi kahit saang lugar naman nagiging masaya kapag magkasama tayong dalawa.” Umani ng napakaraming komento at reaksyon mula sa netizens ang naturang post na ito.






error: Content is protected !!