Mayor Richard Gomez, hinangaan ng publiko dahil sa mabilis at maagap na paghahatid ng relief packs sa kaniyang nasasakupan!



Mahirap na ang buhay ng maraming mga pamilyang Pilipino noon ngunit kahit papaano ay nakakaraos pa rin dahil sa pagiging madiskarte at matiyaga ng marami. Dahil na rin sa patuloy na umiiral na enhanced community quarantine sa bansa ay mas maraming mga Pilipino ang talaga namang hirap na hirap na lalo na sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.


Kung marami sa atin ang nagrereklamo sa mabagal na pagtulong ng lokal na pamahalaan, iba naman ang naging diskarte ni Ormoc City Mayor Richard Gomez para sa kaniyang mga nasasakupan. Sa halip kasi na magrepack sila ng mga tulong na pagkain para sa mga tao ay hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at ipinamahagi na kaagad sa mga taong nangangailangan.




Talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens ang ginawang ito ng alkalde dahil sa hindi na nila kinailangan pang mag-aksaya ng oras sa pagrerepack ng mga naturang tulong bagkus at naihatid na ito kaagad sa mga tao. Dagdag pa ng alkalde, mas makakatipid siya sa panahon at sa oras kung bawat pamilya ay bibigyan niya na agad ng isang sako ng bigas na tiyak na matagal-tagal rin bago nila maubos.

Kung ulam naman daw ang pag-uusapan ay tiyak na makakahanap at makakagawa sila ng paraan upang magkaroon sila ng uulamin. Bukod pa rito ay hindi na rin sila nagsayang ng panahon upang gumawa pa ng listahan para sa makakatanggap ng naturang relied packs dahil sa emergency na ang sitwasyon kung kaya naman nais na nilang maihatid kaagad ang tulong.



Dagdag pa ni Mayor “Goma” ang pondong ginamit nila para rito ay mula sa calamity fund, general fund, at 30% na development fund ng kanilang siyudad. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinuri ang alkalde dahil hinangaan din ng publiko na hanggang sa isinusulat ang artikulong ito ay wala pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kaniyang nasasakupan.




error: Content is protected !!