Dahilan kung bakit hindi naghahalo ang tubig ng Pacific at Atlantic Ocean, alamin!



Tunay nga na napakaraming nakamamanghang bagay sa mundo. Marami sa mga ito ay talaga namang magiging dahilan ng pagtaas ng iyong balahibo habang ang ilan naman ay talagang magpapamangha at magpapabilib sa iyo.



Bagamat hindi lahat ng mga tanong sa ating isipan ay magkakaroon ng kasagutan, kahit paano ay natutulungan pa rin tayo ng Siyensya upang maintindihan at maliwanagan patungkol sa ilang mga bagay sa ating kapaligiran. Katulad na lamang ng pinagtatakhan ng maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo kung paanong hindi nagtatagpo ang katubigan ng Pacific at Atlantic Ocean.


Kung ang ibang mga tao ay mayroong kaniya kaniya nilang mga paliwanag ukol dito. Ang Siyensya naman ay nagsasabing mayroon talagang eksaktong dahilan kung bakit at paano nga ito naging possible. Mayoon pa lamang “hindi nakikitang boundary” ang dalawang magkaibang karagatan na ito kung kaya naman hindi sila nagtatagpo. Ang tawag sa boundary na ito ay “Ocean Clines”.


Bukod kasi sa water contents na kanilang pinagkaiba sa isa’t-isa ay magkaiba rin ang kanilang density, chemical make-up at lebel ng salinity. Base na rin sa Siyensya, ang tawag dito ay “Haloclines”.
Ang salinity factor ng dalawang karagatan na ito ay isang ebidensya kung bakit hindi sila naghahalong dalawa. Ito ay madalas nangyayari kung isa sa mga tubig ay nasa 5 beses na mas maalat kaysa sa iba.



Si Jacques Cousteau ay isang kilalang explorer na siyang naging dahilan upang matuklasan ang pambihirang pangyayari na ito. Ayon sa ilang mga ulat ay nagda-diving siya noon sa “Gibraltar strait” ngunit ilang mga minute pa ang lumipas ay napansin niyang tila mayroong isang transparent film na naghihiwalay sa mga tubig na ito.

Bukod pa rito, ang isa pang dahilan kung kaya hindi naghahalo ang mga katubigang ito ay dahil sa “Inertia powered by Coriolis Force”. Ayon pa sa National Geographic, ang naturang pwersa na ito ang siyang dahilan kung bakit sa magkaibang direksyon patungo ang Atlantic at Pacific Ocean.




error: Content is protected !!