DOST mayroong posibilidad na maging gamot sa COVID-19 ang “herbal medicine” na ito!



Ang Department of Science and Technology (DOST) ay pinag-aaralang mabuti ang pagiging epektibo at potensiyal na gamot ng isang herbal medicine na ito laban sa COVID-19. Ayon sa ilang mga ulat, ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-aaralan na rin ng ating mga eksperto ang ilang mga halamang-gamot tulad na lamang ng Lagundi at Tawa-tawa.



“Isa sa tinitignan ay ang lagundi po. Tinitignan po natin kung paano magagamit ang lagundi ng mga pasyenteng may COVID-19. Pinag-aaralan din po ng DOST kung makakatulong yung tawa-tawa na tinatawag para po isang supplement sa dengue.

Ito po ay titignan nila kung talagang epektibo nga laban sa COVID-19 (We are also looking at lagundi. We are studying how lagundi can help patients with COVID-19. The DOST is also studying tawa-tawa which is a supplement for dengue. We are looking if these two are effective against COVID-19),” Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.


Dagdag pa niya ay pinopondohan ng din ng DOST ang dalawa pang clinical trials para sa “Virgin Coconut Oil” (VCO) na pinangungunahan mismo ng Philippine General Hospital (PGH). Ipinahayag din naman ni DOST Secretary Fortunato dela Pena na ang VCO ay isasama sa “daily treatment regimen” ng mga pasyenteng nagpositibo at patuloy na ginagamot dahil sa COVID-19.


Ang layon ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang mga positibong epekto ng VCO upang mapabuti ang kalagayan ng mga pasyenteng mayroong mga sintomas na “moderate to severe COVID-19”. Mayroon pang ikalawang pag-aaral na pinangungunahan naman ng “Food and Nutrition Research Institute” ng DOST upang malaman ang mga positibong epekto ng VCO sa mga pasyenteng mayroong COVID-19 at nakararamdam ng hirap sa paghinga at pag-ubo.



Sinasabing ito ay partnership sa pagitan ni Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo De Manila University at ng Duke-National University of Singapore (Duke-NUS). Layon din ng pag-aaral na ito na malaman kung tuluyan bang malulunusan ng VCO o mapipigilan ang pagkalat o paglaganap pa ng SARS-CoV2.




error: Content is protected !!