Gretchen Barretto umani ng panghuhusga at batikos mula sa maraming mga netizens dahil sa kaniyang mga Instagram stories sa gitna ng ECQ!



Marami sa mga sikat at prominenteng mga pangalan sa industriya ng show business ay nananatili na lamang sa kanilang mga tahanan sa ngayon. Isa na sa mga ito ay si Gretchen Barretto na madalas na nagbabahagi sa social media ng kaniyang buhay habang nasa ilalim pa rin tayo ng ng “enhanced community quarantine”.



Ngunit kamakailan lamang ay binatikos ng publiko si Greta dahil sa diumano ay “insentitive video” nito. Sa naging Instagram post nito ay tampok ang mga nakakatakam na mga pagkain tulad na lamang ng mga cake, pastries, mga prutas at marami pang iba.


Ayon pa sa dating aktres ay ganito diumano mamuhay ang mga sosyal na tao habang naka-quarantine. Talaga namang maraming mga netizens ang labis na nagalit sa post niyang ito na inilarawan nilang “insensitive” at walang konsensya si Gretchen.


Ilang mga netizens pa ang nagsabing maraming mga artista at sikat na personalidad sa ngayon ang patuloy na nananalangin at tumutulong sa mga apektadong pamilya dahil sa krisis. Ngunit ang naturang aktres ay hindi man lamang makatulong bagkus ay nagmamayabang pa sa mga bagay na mayroon siya sa ngayon.

Samantala, mayroon din namang iilang mga netizens ang nagsabing wala namang masama sa ginawa ni Gretchen dahil batid naman ng lahat na napakayaman ng partner nito at mayroon naman talaga itong maipagyayabang. Hindi rin diumano batid ng lahat kung hindi nga ba talaga tumutulong ang aktres dahil marahil ay hindi lamang nito isinasapubliko ang kaniyang pagkakawang-gawa.



Anuman ang dahilan ni Gretchen o ang dahilan ng mga taong bumabatikos sa kaniya, marahi ay mas nararapat na pagtuunan natin ng pansin ang mga mas mahahalagang bagay sa ngayon kaysa mga bagay na hindi naman na dapat binibigyan ng labis na atensyon. Sa ngayon ay mas dapat tayong magpanalanginan para sa isa’t-isa at magtulungan sa abot ng ating makakaya upang kahit papaano ay gumaan ang pagharao natin sa krisis na ito.