Halamang Tawa-tawa at Lagundi, pinag-aaralan ng DOH kung mabisang ipanggamot sa COVID-19!



Marahil ay inaakala ng maraming mga Pilipino na hindi seryoso o hindi ganoon kadelikado ang pandemyang lumalaganap ngayon sa buong mundo. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga taong nasasawi, nahahawa at naaapektuhan ng karamdamang ito ay tila hindi pa rin nagpapatinag ang marami sa atin sa katigasan ng ating mga ulo.



Kung patuloy na hindi makikinig ang marami sa atin sa panukala ng ating pamahalaan ay tiyak na mas mahihirapan tayo sa mga susunod pang buwan. Dahil sa napakadaling pagkakahawa ng naturang sakit mula sa isang tao patungo sa ibang tao ay hindi na tumitigil ang ating mga siyentipiko upang makatuklas tayo ng mga epektibong gamot para rito.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ang ahensyang nangunguna sa paghahanap at pag-aaral ng mga posibleng maging lunas sa karamdamang ito. Ilang mga halamang gamot sa ngayon ang kanilang pinag-aaralan tulad na lamang ng halamang Tawa-tawa at Lagundi.


Maaalalang una nang naiulat ang pag-aaral sa Virgin Coconut Oil (VCO) na maaaring gawing supplement para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. Ipinahayag naman ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque ang ginagawang pag-aaral sa ngayon ng DOST kung saan maaari ring gawing supplements ang mga halamang-gamot na Tawa-tawa at Lagundi sa mga pasyenteng mayroong COVID-19.
Nais din nilang tuklasin kung ano ang magiging epekto nito sa karamdaman ng mga pasyente.

“Mayroon na po tayong apat na gamot na sina-subject po natin for clinical trial. Pang-apat na pag-aaral ay may kinalaman po sa herbal na gamot. Isa sa tinitingnan ay ang lagundi po,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.


Mayroon na ring maraming mga gamot ang naglalabasan sa merkado kung saan napatunayan ang natural na lunas nito para sa ubo, hika, at sipon. Dagdag pa ni Roque ay kasama rin ang halaman ng Tawa-tawa sa mga gamot na pinag-aaralan ng ating mga siyentipiko sa ngayon.



Bukod pa rito ay kasama rin namang sinusuri ang iba pang mga “synthetic medicine” tulad na lamang ng “chloroquine” at “hydrochloroquine”. Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring mabisang lunas sa pandemyang ito ayon na rin sa ating pamahalan kung kaya naman nawa ay patuloy tayong sumunod sa mga dapat nating gawin upang hindi na madagdagan pa ang mga taong nagiging positibo sa sakit na ito.+




error: Content is protected !!