Lolo na nakipagsapalaran sa Maynila ang tanging hiling lamang ay makapiling ang pamilya sa probinsiya!



Pamilya, isang simpleng salita ngunit napakahalaga at napakaraming maaaring maging kahulugan. Marahil ang unang papasok sa ating isipan ay ang ating mga magulang, kapatid, anak o di kaya naman ay ang ating mga kabiyak.



Mayroon din namang mga magkakaibigan na pamilya na ang turingan sa isa’t-isa. Napakasarap sa pakiramdam ang makapamuhay tayo kasama ang ating mga mahal sa buhay, hindi ba?

Tila ba kumpleto ang iyong pakiramdam kapag nakakapiling mo sila at nakakasama lalo na sa mga panahong humaharap ka sa matinding pagsubok o di kaya naman ay nagdiriwang ka ng mga espesyal na selebrasyon. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng isang matandang lalaki na ito.


Ayon na rin sa ibinahaging post ng isang netizen na nakilala sa pangalang Ybba Sedna, naglalakad lamang siya noon sa tapat ng COA sa Quezon City ng kaniyang napansin ang isang lolo na hirap na sa kaniyang paglalakad dahil marahil sa kaniyang katandaan. Wala siyang dalang pagkain ng mga oras na iyon kung kaya naman kinausap at kinamusta na lamang niya ang matanda.


Napag-alaman niyang naghahanap pala ito ng pinakamalapit na ATM Machine ng isang kilalang bangko kung saan niya sana kukuhanin ang natanggap niyang ayuda mula sa pamahalaan. Ang matandang lalaki na ito ay nakilala sa pangalang Ely Rojero Lomongo na 79-taong gulang na.

Siya ay nakatira sa 07 Bato-Bato St. COA, Commonwealth, Quezon City. Dati siyang drayber ng dyip ngunit huminto na rin siya dahil sa kaniyang edad.



Nabanggit din nito na mayroon pa siyang mga kapamilya sa Cebu na nais niya sanang makita. Tanda pa niya ang eksaktong address ng mga ito, 1060-B Basak, San Nicolas Cebu City. At ilang pangalan ng kaniyang mga kaanak na sina Edith Lomongo, Luz Lomongo, Bong Lomongo at Belen Lomongo.Bagamat halos 60 na taon siyang nanirahan at nagbanat ng buto sa siyudad ay nais pa rin niyang makasama ang kaniyang mga mahal sa buhay sa Cebu.