Categories: Family

Mag-ama, kinayod na niyog na lamang ang kinakain dahil sa wala silang natatanggap na ayuda!

Isa marahil sa pinakamahalagang bagay na pinagsusumikapan ng bawat isa sa atin sa ating pagpapagal sa ating mga trabaho ay ang mayroon tayong maihain na pagkain sa ating hapag-kainan, upang mayroon tayong maipangbili ng iba pang mga pangangailan natin lalo na ang pangangailangan ng ating mga anak. Kamakailan lamang ay talaga namang umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang mag-ama dahil sa mahigpit na pagpapairal ng “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa ating bansa ay wala na silang ibang mapagpipilian pa kundi ang kainin na lamang ng kinayod na niyog.

Ang mas mahirap pa rito, dapat sana ay gatas ang iniinom ng kaniyang anak ngunit dahil wala pa silang natatanggap na tulong o ayuda mula sa gobyerno ay nakuntento na lamang sila sa kinayod na niyog bilang panglaman sa kanilang sikmura. Ang Social Amelioration Program ng ating pamahalaan ay naglalayong tulungan ang maraming mga mahihirap nating kababayan na magkaroon ng kahit kaunting tulong pinansyal para sa kanilang pamilya habang hindi pa sila maaaring makapagtrabaho.

Ayon sa naturang programa ng pamahalaan ay magkaroon ng halagang P5,000-P8,000 ang mga kwalipikadong pamilya. Sa kasamaang palad ay hindi pa nakatatanggap ng ganitong ayuda si Denmark Balobal. Isa siyang “taho vendor” na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapagtinda dahil sa ECQ at patuloy na paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19.

Ang kaniyang misis na si Leah Sapanton ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Oman ngunit hindi rin ito makapagpadala ng pera dahil sa kakasimula pa lamang nito sa kaniyang trabaho. Nakapanayam naman ng “Magandang Buhay” ng ABS-CBN si Denmark na naiyak na lamang dahil sa kanilang kalagayan.

Ngunit kahit pa sadyang napakasakit para sa kaniya ang walang maipakain sa kaniyang anak ay mas tinatatagan pa rin niya ang kaniyang kalooban para sa kaniyang musmos na anak at mas nananalangin pa sila sa Diyos. Tunay nga n asana ay nabibigyang-pansin din ng mga kinauukulan ang mga ganitong klase ng pamilya na talagang nangangailangan ng kanilang mabilisang pagtulong.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago