Mga magsasaka sa Benguet, libreng ipinamamahagi ang mga ani nilang gulay sa publiko!



Sa panahon ngayon, maraming mga bagay ang hindi na natin nagagawa mula ng pumutok ang krisis natin dahil sa pandemyang COVID-19. Nakakalungkot isipin na nagkaroon ng napakaraming mga pagbabago sa dati ay normal nating mga buhay.



Ngunit sa kabila ng mga paghihirap at pagsubok na nararanasan natin sa ngayon ay talaga namang nagkakaroon pa rin ng mga magagandang bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Tulad na lamang halimbawa ng pagkakawang-gawa ng mga magsasaka na ito mula sa Benguet na nagpamahagi ng libre ng kanilang mga bagong ani na gulay sa kanilang mga kababayan at sa mga karatig probinsiya.

Tunay nga na kahit hirap din ang mga magsasakang ito dahil sa epekto ng krisis na ating kinakaharap sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagtutulungan sa kanilang mga puso. Bagamat mayroon din silang mga pangangailangan ay mas nangibabaw ang pagnanais nilang makatulong rin sa ibang tao.


Ayon sa social media post ni Sheila Banagui nagsimula ang ganitong klase ng pagtutulungan ng mayroong isang magsasaka na nagmagandang-loob na ipamahagi na lamang ang kaniyang mga inaning gulay sa mga nangangailangan. Hindi niya nais na makilala siya ng publiko kung kaya naman binansagan na lamang siya bilang “COVID Carrot Man”.



Ilang mga magsasaka pa ang sumunod sa kaniyang ginawang pagtulong at namahagi rin sila ng mga bagong ani nilang gulay. Isa rin si Shiela sa mga nagmagandang-loob na maipamahagi ang mga gulay na ito sa mga nangangailangan.

Sa tatlong linggo nilang pamamahagi ng mga ito ay nakapagbigay na rin sila sa mga kalapit na probinsiya tulad na lamang sa La Union, Pangasinan, at maging sa ilang mga barangay sa Baguio at La Trinidad. Sa mga ahensya ng pamahalaan lamang sila nakikipag-ugnayan upang mas maging mabilis ang pamamahagi nila ng mga sariwang gulay.



Ayon din sa ilan pang mga ulat, nakapagpamahagi na sila ng pitong mga trak ngcarrots nitong mga nagdaang araw. Tunay nga na maraming mga netizens ang labis na humanga sa pagnanais ng mga magsasakang ito na makatulong sa mga taong nangangailangan kahit maging sila ay hirap din sa buhay.




error: Content is protected !!