Tinanggihan ng tindera ng gulay na ito ang tulong na ayuda ng gobeyerno dahil sa nais niyang mapunta ito sa mas nangangailangan!



Mainit na talakayan pa rin sa ngayon sa social media ang diumano ay hindi patas na pamamahagi ng mga ayuda mula sa gobyerno. Maging ito man ay mga relief packs, o di kaya naman ay tulong pinansyal, talagang marami pa rin ang hind nabibigyan ng pagkakataong makatanggap ng mga naturang tulong. Ayon din sa maraming mga netizens, maraming mga tao ang tila nagiging madaya o bayas lalo na kung pera ang pinag-uusapan.



Hanggang sa mga araw na ito ay maraming mga mahihirap na pamilyang Pilipino pa rin ang nananalangin na sana ay mabigyan sila ng tulong mula sa ating pamahalaan. Talaga namang nakakalungkot isipin na marami tayong mga nababalitaang pamilya na halos wala na talagang makain at maipanggastos dahil sa mga panahong ito ay hindi maaaring pumasok sa mga opisina o magtrabaho ang marami sa atin.


Sadyang nakakasama rin ang kalooban ang maraming mga kakilala, kadikit, o kamag-anak ng mga pulitiko na nauuna pang makatanggap ng tulong pinansyal kaysa sa mga totoong nangangailangan. Mayroon pa ngang mga namayapa na ay nailista pa sa naturang ayuda samantalang ang mga buhay na nagnanais pang mamuhay ay hindi man lamang naisama.

Sa kabila naman ng kaliwa’t kanan na pagiging makasarili ng ilan sa atin ay mayroon pa rin pa lang mga taong mayroong malawak na pang-unawa at pagnanais na makatulong din sa ibang mga tao na tulad nila ay hirap din sa buhay. Katulad na lamang ng isang tindera ng gulay na ito na nakilala bilang si Elizabeth Buguina ng Brgy. Dassun, Solana, Cagayan na nagsauli ng natanggap nitong ayuda mula Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.


Kahit pa nga sabihin ng kanila mismong barangay na kwalipikado talaga siya dahil sa siya ay isang tindera at maliit lamang ang kaniyang tahanan ay ninais na lamang niyang isauli ito at ng maipamahagi sa mas nangangailangan.



Dahil sa hindi talaga nagpapigil pa ang ginang ay pinasulat na lamang ito ng katunayan na kusa niyang isinasauli ang perang kaniyang natanggap upang maipamahagi na lamang ito sa ibang pamilya. Talaga namang kahanga-hanga ang pinakitang ito ni Elizabeth.




error: Content is protected !!