Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, pinamangha ang publiko sa napakaganda nilang tahanan sa Pasig!



Ang pamilya nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na kapwa mga sikat na artista ay ipinasilip sa publiko kamakailan lamang ang kanilang napakagandang tahanan sa Pasig City. Ayon sa naging panayam ng “Yes! Magazine” kay Zoren noon ay ninais talaga nilang mag-asawa na magkaroon ng “jolly nature” ang kanilang tahanan tulad ng kanilang anak na kambal na sina Mavy at Cassy.

Kaibigan ang turing nina Carmina at Zoren sa kanilang mga anak ngunit hindi pa rin nawawala ang respeto ng mga ito sa kanila bilang kanilang ma magulang. Ayon pa sa mag-asawa, ang ganda ng kanilang tahanan ay hindi mo lamang makikita sa mga kagamitan o palamuti na nasa loob nito dahil ang kanilang tahanan ay mayroong kakaibang enerhiya na mula mismo sa kanilang masayang pagsasamahan bilang isang pamilya.



Pahayag din ni Zoren, ang kanilang tahanan ay hindi maituturing na tahanan kung walang maayos na komunikasyon sa mga taong naninirahan dito. Napakaganda ng bawat parte ng kanilang tahanan dahil si Carmina mismo ang nagdisenyo nito dahil sa isa ito sa kaniyang mga hilig.


Kung kaya naman hindi na nila kinailangan pang magbayad ng isang professional designer.

RECEIVING AREA



Napakaganda at napakaaliwalas ng kanilang “receiving area” na mayroong “neutral-colored seating pieces” tulad na lamang ng “hammock sofa”. Mayroon din silang black center table na mayroong ilang mga “decor pieces”.

DEN



Kulay “orange” naman ang bahaging ito ng kanilang tahanan na mayroong mga kulay “gray” na seating pieces. Mayroon din ditong “entertainment system” at dahil halos matitingkad na kulay ang ginamit dito ay perfect ito sa movie time at family bonding moments.

BEDROOMS




Mayroong magkaibang kwarto ang kambal. Tipikal na kwarto ng isang binata ang kwarto ni Mavy na halos kulay berde at dilaw ang paligid habang ang kwarto naman ni Cassy ay “typical girl’s room” din na mayroong kulay na pink at yellow.

MASTER’S BEDROOM


Napakaluwag din naman ng kwarto ng mag-asawang Carmina at Zoren na mayroong king-sized bed at wide-screen TV. Matingkad ang kulay ng sahig nito na mas nagbigay ng “karakter” sa kanilang kwarto.

HARDIN


Napakaganda rin naman ng kanilang hardin kung saan sila madalas na nag-aalmusal at kumakain. Tiyak na gaganahan ka talagang kumain sa napakagandang tanawin dito.




error: Content is protected !!