Lalaking naglabas ng upuan sa labas ng kaniyang bahay para magpahangin, ginaya ng kaniyang mga kapitbahay!



Bilang mga Pilipino, nakasanayan na natin ang maging magiliw sa mga taong nakapaligid sa atin. Hanggang sa ngayon ay mayroon pa rin tayong ilang mga kababayan na nag-aabot ng mga lutong ulam sa kanilang kapitbahay dahil sa gusto lamang nilang magbigay sa kanila kahit wala pang anumang okasyon.


Talaga namang napakapalad mo talaga lalo na kung ang iyong kapitbahay ay hindi lamang mapagbigay at mabait kundi masarap ding magluto. Kung usapang kapitbahay rin lang naman ang pag-uusapan.



Marami din sa ating mga Pilipino sa ngayon ang nagsasabing marami silang hindi magandang karanasan dahil sa kanilang mga kapitbahay na mapanghusga at palagi na lang tamang hinala. Kamakailan lamang ay naging nakakatuwang karanasan naman ang nangyaring ito kay Kinshi Morfe.

Ayon sa kaniyang post sa social media ay naglabas siya ng isang silya sa labas ng kanilang tahanan dahil nais niya sanang magpahangin, saglit siyang pumasok sa loob ng kanilang tahanan upang magpalit ng damit ngunit paglabas niyang muli ay nasorpresa siya nang makitang ang kaniyang mga kapitbahay ay naglabas na rin ng upuan sa labas ng kanilang mga tahanan. Maraming mga netizens ang hindi napigilang magkomento dahil sa nakakatuwang pangyayaring ito.



Umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. Sabi ng ilan sa kanila, mayroon talagang mga kapitbahay na malakas ang pakiramdam na tila ba mayroong “radar” sa talas ng kanilang pandinig o pakiramdam.

Ang paglalagay ng silya sa labas ng mga bahay ay isa sa mga ginagawa ng maraming mga Pilipino lalo na kung mamimigay o mamamahagi na ng rasyong pagkain ang mga lokal na pamahalaan. Ibig sabihin, kung wala kang upuan sa labas ay tiyak na wala ka ring makukuhang rasyon.


Marahil ay talaga namang naninigurado lamang ang mga kapitbahay ni Kinshi na baka sakaling mayroon na muling tulong na dumating mula sa mga kinauukulan upang pandagdag sa pangangailangan ng kanilang pamilya sa panahon ng krisis natin ngayon.




error: Content is protected !!