Mga Indonesians, nagbilad sa araw pangontra diumano sa COVID-19!



Maraming mga nababalitaan ngayon ang publiko patungkol sa mga bagay na maaari nating gawin ngayon upang maiwasan o di kaya naman ay tuluyan nang malunasan ang sakit na COVID-19 na talaga namang nagpapahirap sa maraming mga tao ngayon sa buong mundo. Kamakailan nga lamang ay mayroon na namang kumakalat na usap-usapan sa social media na diumano ay gamot sa COVID-19 ang sikat ng araw.


Ito naganap matapos ipahayag ng isang mataas na opisyal sa Estados Unidos na diumano batay sa isang pag-aaral ay madaling mapuksa ang naturang sakit kung masisikatan ng araw ang isang tao. Gayundin naman ang naging paniniwala ni US President Donald Trump na ang “ultraviolet rays” mula sa sikat ng araw ay maaaring maging pangontra natin sa COVID-19.




Samantala, ayon naman sa mga eksperto sa medisina ay wala pang kumpirmasyon patungkol sa pagiging mabisang lunas ng sikat ng araw, ayon sa kanila 15 minuto na pagbibilad sa “morning sunshine” ay sapat na at makabubuti na sa tao.

“Exposing the body to direct sunlight is good to get vitamin D, not to directly prevent the d!sease,” pahayag ni Dr. Dirga Sakti Rambe ng OMNI Pulomas Hospital sa Jakarta.


Pinayuhan din naman ng mga otoridad ang mga Indonesians na maaaring pagsimulan ng malubhang sakit sa balat ang labis nilang pagbibilad sa araw. Mas marapat diumanong maglagay sila ng mga proteksyon sa kanilang balat.


Sa ngayon ay mas maraming mga Indonesians na ang nagbibilad sa araw upang makaiwas sa sakit na COVID-19. Sa katunayan ay ginawa na itong morning exercise routine ng mga sundalo.



Sa malalaking siyudad naman at riles ay marami na ding mga taong nagbibilad sa araw kahit pa tirik na tirik ito nang hindi alintana ang maaaring maging masamang epekto nito sa kanila. Marahil ay mas magiging maingat na rin ang publiko sa pagsunod sa mga bagay na kanilang nababalitaan o naririnig sa social media.




error: Content is protected !!