Categories: Viral

Pamilyang pinaalis sa kanilang inuupahan sa traysikel na muna nanirahan!

Sadyang napakahirap naman talaga ng sitwasyon natin sa ngayon dahil sa kinakaharap nating krisis dahil sa COVID-19. Marami sa ating mga kababayan sa ngayon ang hindi na muna nakapagtatrabaho at dahil rin dito ay wala rin silang kinikitang pera para sana pangsuporta sa kanilang pamilya.


Kamakailan lamang ay naantig ang puso ng publiko sa kwentong ito ng pamilya ni Mang Joel na naitampok ni Bernadette Reyes sa GMA news. Wala na kasing pambayad ng utang ang pamilya ni Mang Joel dahil sa hindi siya makapagtrabaho dulot ng pandemyang kinakaharap natin sa ngayon.


Kung kaya naman wala na silang maipangbayad sa kanilang inuupahan. Dahil sa wala na silang magawa pa sa kanilang sitwasyon sa ngayon ay sa traysikel na lamang muna sila tumira. Nasa Divisoria Maynila sa ngayon ang mag-anak, sa loob ng traysikel sila natutulog at nagtatabi ng kanilang pagkain. Sa likurang bahagi naman sila ng traysikel nagluluto.

Ibinahagi din ni Mang Joel na dahil hindi niya kayang mamalimos ay nangongolekta na lamang siya ng mga karton upang maibenta sa mga junk shop. Ang kaniyang napagbilhan ng mga kariton ay ginagamit nilang pangbili ng kanilang makakain upang makaraos sa kanilang pang-araw-araw.

Talaga namang umani ng napakaraming mga komento ang napakahirap na kalagayan na ito ng pamilya. Nakakalungkot lamang isipin sa ngayon na maraming mga tao ang talaga namang mas nangangailangan ng tulong ngunit tila napupunta pa ang mga tulong na dapat sana sa kanila sa mga taong mayroon namang kakayanan sa buhay.


Ayon sa ilang mga netizens, mas nararapat na makatanggap ng tulong ang mga pamilyang katulad ni Mang Joel. Tunay nga na nagbibigay pa rin ng mga kaukulang tulong ang gobyerno at ang lokal na pamahalaan upang magkaroon ng ayuda o tulong pinansyal tulad na lamang ng SAP o Social Amelioration Program ng ating pamahalaan sa mga Pilipino, mas dapat lang talagang bigyan ng pansin ang ilang mga pamilyang nagugutom at talagang hirap sa buhay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago