Isang piloto na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 nakahanap ng trabaho bilang isang “delivery rider”



Kumikita siya nang malaking pera noong siya ay isang “commercial jet pilot” ngunit sa kasamaang-palad ay nawalan siya ng trabaho dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo. Ang 36 na taong gulang na si Kritee Youngfuengmont mula sa Thailand ay nagdesisyon na maghanap ng iba pang mapagkakakitaan upang mayroon siyang maipangsuporta sa kaniyang pamilya at pambayad ng kanilang mga utang.


Nagulat ang marami na naging isa siyang “delivery guy”. Ngunit hindi niya ito alintana dahil sa ang nais niya ay kumita ng pera mula sa isang desenteng trabaho.



Noong naging isang commercial jet pilot siya ay nagkaroon siya ng ilang mga utang na agad din naman niyang nabayaran dahil sa magandang kita niya sa paliparang pinagtatrabahuhan niya noon. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pananalanta ng pandemyang kinatatakutan ng marami at kumitil na rin ng maraming mga buhay ay isa siya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa kabilang siya sa mga empleyado ng “airline” at “tourism industry”.


Dahil sa mga bayarin na kailangan niyang bayaran at pamilyang kailangan niyang suportahan ay agad siyang naghanap ng panibagong trabaho. Agad naman siyang nag-apply bilang isang delivery rider dahil sa isa ito sa mga trabahong kailangang-kailangan ngayon lalo na haban lockdown.


Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon na mag-apply at natanggap nga siya. Bukod sa mga pagkaing inihahatid niya sa mga pamilyang nasa kanilang mga tahanan ay naghahatid din siya ng ilang mga groceries na ipinabibili ng ilang mga customers at ilan pang mga padala.

Mula sa kaniyang trabaho ay kumikita siya kahit papaano at nakakatanggap siya ng mga tips mula sa ilan niyang customers. Bagamat maraming mga tao ang nagtatanong kung bakit niya pinagtitiyagaan ang ganitong klase ng trabaho kung mayroon naman siyang maganda trabaho noon ay hindi na lamang niya ito pinapansin dahil mas importante sa kaniya ang masuportahan ang kaniyang pamilya lalo na sa mga panahong ito.





error: Content is protected !!