Lola hindi nakatanggap ng SAP kung kaya naman nangalakal na lamang siya upang makakain!



Maraming mga lugar na sa Pilipinas ang nakapagpamahagi na ng mga form para sa Social Amelioration Program (SAP) mula sa gobyerno para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino na labis na naapektuhan ng krisis natin sa ngayon.



Ngunit marami pa ring mga Pilipino ang umiinda na hindi naman sila nakatanggap ng form mula sa lokal nilang pamahalaan o di kaya naman ay hindi sila kwalipikado o hindi sila naaprubahan dahil sa ilang mga rason.


Si Nanay Claudia ay isang magbabasura, kasama ang kaniyang mister ay naninirahan sila sa Brgy. Tipo sa Hermosa, Bataan. Kahit pa nga mga “senior citizen” na silang mag-asawa at pareho din silang walang trabaho ay hindi pa rin sila nabigyan ng tulong pinansyal mula sa SAP.


Bagamat nakatanggap naman sila ng ilang mga “relief goods” mula sa lokal na pamahalaan ay hindi pa rin ito tatagal hanggang matapos ang umiiral na “enhanced community quarantine” sa ating bansa. Dahil sa gutom na rin silang mag-asawa ay wala nang nagawa pa si Nanay Claudia kundi ang lumabas ng kanilang tahanan at mangalakal ng basura upang kahit papaano ay makaraos silang mag-asawa at magkaroon ng kaunting perang pambili nila ng makakain.


Buti na lamang at nakita siya ng isang netizen na nakilala bilang si Jham Mhumai na siyang nagbahagi sa social media ng mahirap na kalagayan ng mag-asawang matanda sa gitna ng ECQ. Talaga namang naantig ang puso ng maraming mga netizens sa mahirap na kalagayan ng matanda.



Maraming mga netizens ang nagkomento na marami namang mga pamilyang mayroong kakayanan sa buhay ngunit nakasama pa sa naturang ayuda samantalang ang mga katulad ni Nanay Claudia at ang kaniyang asawa ay hindi man lamang nabigyan ng tulong. Buti na lamang at dahil sa social media ay mayroong isang netizen na nagmagandang loob sa kawawang matanda dahil sa nangako si Chai Say na bibigyan niya ng P5,000 si Nanay Claudia.




error: Content is protected !!